^

PSN Opinyon

MILF, tatakan nang terorista

SAPOL - Jarius Bondoc -
PALALA nang palala ang pambubusabos ng Moro Islamic Liberation Front sa mga sibilyan. Pumatay sila ng anim na pasaherong bumibiyahe sa Talayan, Maguindanao nu’ng nakaraang Martes. Nauna rito hinoldap nila ang halos 50 pasahero ng bus sa highway ng Pikit, North Cotabato. Kasabwat ang communist New People’s Army, sila rin ang suspek sa pagbomba sa water reservoir ng Kidapawan, Davao city airport, at electric substation sa Lanao del Norte.

Pahirap nang pahirap ipaliwanag ni MILF spokesman Eid Kabalu ang pagtira nila sa mga sibilyan bilang bahagi ng "lehitimong" hangaring iangat ang mga Moro. Siyempre, itinatanggi niya ang pagsabog sa airport, dam at power station. Mga civilian facilities ito, at may kapwa Muslim na namatay sa Davao. Nung una, itinatwa rin ni Kabalu ang panghaharang sa bus sa Pikit. Kinabukasan, umamin din. Kesyo nililigtas lang daw nila sa peligro ang mga pasahero dahil may bakbakan sa unahan. Pero may affidavit ang mga pasahero na tinangay ang kanilang cellphones, alahas at cash, hinalay ang dalawang babae, saka pinatay ang isang sundalong off-duty na naka-civvies. Sa van sa Talayan, unang hirit niya’y sundalo ang anim na binaril nila. Pero isa lang dito ang militar, si Lt. Aguinaldo Vicente; isa ay pulis, si Insp. Marlo Martinez. Apat ay sibilyan. Nang malaman ito ni Kabalu, palusot na lang niya ay "they were at the wrong place at the wrong time."

A gan’on, wala palang halaga ang buhay-sibilyan sa MILF. Puwes, terorista nga sila at dapat lang pormal na bansagan na "international terrorist group."

Kapag nilista na sila, hindi na sila kakausapin ng Malaysia, Libya o ng ano pa mang bansa sa Organization of the Islamic Conference. Wala na silang mahihinging financial o moral support sa mga Arabong kontra-terorista. Tulad ng nangyari sa NPA, iipitin ang bank deposits nila saan mang parte ng mundo. Ang mga lider nilang nagtatago sa ibang bansa ay palalayasin. ‘Yun ang patakaran ng sibilisadong mundo sa mga terorista.

AGUINALDO VICENTE

DAVAO

EID KABALU

KABALU

MARLO MARTINEZ

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NEW PEOPLE

NORTH COTABATO

ORGANIZATION OF THE ISLAMIC CONFERENCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with