^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Pangil ni BF umubra kaya sa DPWH?

-
Mula nang maupo si President Gloria Macapagal-Arroyo sa puwesto noong January 2001, maraming beses na niyang binantaan ang mga corrupt sa pamahalaan. Subalit walang tapang ang kanyang banta sapagkat naglipana pa rin ang mga buwaya’t pating sa maraming departamento sa kasalukuyan.

Bukod kay Mrs. Arroyo may mga miyembro rin ng kanyang Gabinete na ang pagbabanta ay walang ipinagkaiba sa estilo ng Presidente. May ilan na ang pagbabanta ay walang hangad kundi para pag-usapan lamang sa bayan. Mayroon din namang Cabinet official na matigas sa pagbabanta laban sa mga tiwali. Hindi natatakot, palaban at handang dumurog.

Isa sa mga Cabinet official ni Mrs. Arroyo na matindi kung magbanta laban sa mga corrupt ay si Public Works Sec. Bayani Fernando. Ilang buwan pa lamang sa puwesto si Fernando subalit marami na siyang natuklasang misteryo sa DPWH at ito ang nagbunsod para sabihin niya kamakalawa na sisibak siya ng 20 engineers taun-taon para maipakita niya sa taumbayan na seryoso siya sa paglilinis sa DPWH.

Ang DPWH ang itinuturing na isa sa mga pinaka-corrupt na departamento ng pamahalaan. Hindi pa natatagalan nang umalingasaw ang "vehicle repair scam" na kinasasangkutan ng bilyong piso. Ang scam ay naganap sa panahon ni Ex-DPWH Simeon Datumanong. Ngayon, wala nang marinig ukol sa nangyaring scam sa DPWH.

Sinabi ni Fernando nang magsalita sa American Society of Civil Engineers (ASCE) na 20 engineers ang kanyang sisibakin sa loob ng isang taon. Ang dahilan: Wrong designs, wrong estimates, deficient implementation of government projects.

Tiyak na papalakpakan ng taumbayan ang sinabing ito ni Fernando. Marami ang hahanga sapagkat marami ang nasasabik magkaroon ng malinis na tanggapan na hindi nababahiran ng corruption. Kung magkakaroon ng katuparan ang banta ni Fernando, hindi malayo na maubos ang mga engineer sa DPWH.

Tutukan ni Fernando ang mga dupang na engineers, na humihingi ng karagdagang pera sa kanilang project. Ang mga project ay lagi umanong kulang sa pondo at ito ang labis na ipinagtataka ni Fernando.

Ang balak na pagsibak ni Fernando sa 20 engineers sa loob ng isang taon ay magandang hakbang para malinis ang departamento. Sana’y hindi maging katulad si Fernando ng iba pa na mapurol ang ngipin kaya walang corrupt na makagat.

AMERICAN SOCIETY OF CIVIL ENGINEERS

BAYANI FERNANDO

BUKOD

DPWH

FERNANDO

MRS. ARROYO

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PUBLIC WORKS SEC

SIMEON DATUMANONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with