Sa nayon, karaniwan ay ibinibigay sa pagdalaw sa maysakit ay prutas o pagkain. Hindi dinadalhan ng bulaklak kasi ito ay mas kaugnay sa mga patay.
Sa nayon, magandang bagay ang pagdadala ng pasalubong. Ito ay nagpapahiwatig na naalala mo ang taga-nayon lalo na sa mga kabataan at may-ari ng bahay na iyong tutulugan.
Dapat na kaibiganin ang mga bata. Mahusay itong paraan para magkaroon ng magandang pakikisama sa mga magulang. Sa nayon, may kasabihan na ang taong mabait sa mga bata ay isang taong mabuti. Ang pagbibigay ng maliit na regalo gaya ng kendi ay ikinagagalak ng mga bata at magulang.
Karaniwang nahihiya ang mga batang tumanggap lalo kung nakatingin ang mga magulang kasi sa nayon, masamang ugali ang magpakita na gutom ka sa pagkain. Madalas kailangang ilagay sa bulsa ng bata ay kendi.
Kailangang pakitaan ng paggalang ang nakakatanda sa nayon. Gamitin ang salitang angkop sa mga may edad gaya ng kuya, tatang, lolo at iba pa.
Angkinin mo silang kamag-anak kahit na wala kayong relasyon. Pag tinawag mong nanay o tatay ay para mo nang tinanggap na ikaw ay kanilang anak.
Iyan ang mga karanasan at natutuhan ko sa nayon na hindi ko malilimutan.