Kahit na anong ngawa pa at mahigpit na pag-aalsa ang gawin ng anumang grupo, hindi makikinig si US President George W. Bush na iatras niya ang pagsugod sa Iraq. Wala nang makapipigil kay Bush. Ang tanging pinakamimithi sa buhay niya ngayon ay ang mawala si Saddam Hussein sa Iraq, patay man o buhay kahit na milyun-milyong buhay at limpak-limpak na salapi ang kapalit.
Kahit na nga ang makapangyarihang United Nations ay binalewala ni Bush at mga kaalyadong bansa. Matagal nang gigil ang grupong ito na salakayin si Saddam kayat marami ang humuhula noon na hindi na hihintayin pa ang resulta ng panibagong imbestigasyon ng UN inspectors.
Ewan ko kung bakit may mga nagra-rally pa na ihinto na ni Bush ang paggiyera sa Iraq samantalang naghahalo na ang balat sa tinalupan doon. Ratsada nang umaatikabo ang coalition forces laban sa mga sundalo ni Saddam. Sinusulat ko ang column na ito ay wala pang maliwanag na balita kung ano na ang nangyayari sa Iraq.
Mabuting tumigil na ang mga rallyista. Wala na kayong magagawa pa. Hindi na psycho war at daldalan ang nagaganap sa Iraq. Tunay na digmaan na ito, tsong. Maraming buhay na ang nalalagas at maaaring hindi na kayang bilangin pa ang mamamatay pa. Magdasal na lang tayo at ipaubaya sa Maykapal ang kaligtasan nating lahat.
Nakaburol ang bangkay sa Samson Funeral Homes, Imus, Cavite at ililibing sa Huwebes sa Binakayan Memorial Park, Kawit, Cavite.