^

PSN Opinyon

Nagra-rally pa kahit dinudurog na ang Iraq

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
TALAGANG hindi ko mapigilang matawa nang mapanood ko sa TV newscasts ang mga nagpoprotesta para pigilin ang giyera sa Iraq. Nanawagan ang mga rallyista sa United States at mga kaalyado nito na huwag giyerahin ang Iraq sa kabila na ilang araw na itong binobomba. Mukha naman yatang atrasadong masyado ang panawagan ng mga demonstrador na mga ito.

Kahit na anong ngawa pa at mahigpit na pag-aalsa ang gawin ng anumang grupo, hindi makikinig si US President George W. Bush na iatras niya ang pagsugod sa Iraq. Wala nang makapipigil kay Bush. Ang tanging pinakamimithi sa buhay niya ngayon ay ang mawala si Saddam Hussein sa Iraq, patay man o buhay kahit na milyun-milyong buhay at limpak-limpak na salapi ang kapalit.

Kahit na nga ang makapangyarihang United Nations ay binalewala ni Bush at mga kaalyadong bansa. Matagal nang gigil ang grupong ito na salakayin si Saddam kaya’t marami ang humuhula noon na hindi na hihintayin pa ang resulta ng panibagong imbestigasyon ng UN inspectors.

Ewan ko kung bakit may mga nagra-rally pa na ihinto na ni Bush ang paggiyera sa Iraq samantalang naghahalo na ang balat sa tinalupan doon. Ratsada nang umaatikabo ang coalition forces laban sa mga sundalo ni Saddam. Sinusulat ko ang column na ito ay wala pang maliwanag na balita kung ano na ang nangyayari sa Iraq.

Mabuting tumigil na ang mga rallyista. Wala na kayong magagawa pa. Hindi na psycho war at daldalan ang nagaganap sa Iraq. Tunay na digmaan na ito, tsong. Maraming buhay na ang nalalagas at maaaring hindi na kayang bilangin pa ang mamamatay pa. Magdasal na lang tayo at ipaubaya sa Maykapal ang kaligtasan nating lahat.
* * *
Ang butihin kong father-in-law na si Mr. Leonardo Daplas ay sumakabilang-buhay noong March 23, 2003 sa edad na 78. Naulila niya ang asawang si Mrs. Mercedes Viaña-Daplas at mga anak na sina Cecille at Penny Vales; Leonardo Jr. at Marlene; Evelyn at Rene Zalamea; Susan at Danny Macabuhay; Jimmy at Oyi Daplas at mga apo.

Nakaburol ang bangkay sa Samson Funeral Homes, Imus, Cavite at ililibing sa Huwebes sa Binakayan Memorial Park, Kawit, Cavite.

BINAKAYAN MEMORIAL PARK

CAVITE

DANNY MACABUHAY

IRAQ

KAHIT

LEONARDO JR.

MR. LEONARDO DAPLAS

MRS. MERCEDES VIA

OYI DAPLAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with