Illegal pyramiding at textbook scam laban kay Mayor 'Tsong'
March 24, 2003 | 12:00am
NAGPAPASALAMAT ang kolum na ito sa lahat ng nagpadala ng kani-kanilang mga text messages mula sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nasa mga bansang abot ng Pilipino Star NGAYON.
Kabilang na rito yung kanilang mga e-mail sa ibayong dagat. "Nalilito" sa mga balitang nababasa nila hinggil sa mainit na isyu ng ILLEGAL PYRAMIDING na naging laman ng ibat ibang pahayagang broadsheet nitong mga nakaraang linggo.
Naging masigasig ang kolum na itong sundan ang mga pangyayari matapos na mahuli ang mga "malalaking isda" na nasa likod ng illegal pyramiding.
Ginawa naming basehan ang listahan ng Securities and Exchange Commission (SEC) at Department of Trade and Industry (DTI) laban sa mga kompanyang kanilang pinangalanan na sangkot raw sa illegal pyramiding at network marketing scam.
Ayaw ko sanang banggitin ang mga pangalan ng mga kumpanyang kanilang tinatanong kung legal nga ang mga sumusunod: FIRST QUADRANT, FOREVER LIVING, NET TAIPAN, POWERHOMES UNLIMITED INC., at iba pang mga kompanyang hindi gaanong kilala.
Ang sagot ng kolum na ito, "REHISTRADO ang mga kumpanyang nabanggit. Pawang may mga produktong ibinebenta ang mga ito at may kani-kanilang disenteng tanggapan."
Base sa aming pagsusuri at pakikipanayam sa assistant director ng Bureau of Trade Regulation and Consumer Protection ng DTI na si Jaime Olmos, ang mga sumusunod na terminolohiyang "uplines", "downlines", "membership", at "recruit" ay hudyat na para sabihing maaaring illegal pyramiding ang estilo ng pagbebenta ng isang kompanya.
Nung tinanong namin siya kung anong kanyang pananaw sa operasyon ng AMWAY na kung saan sa kanila nagsimula ang mga salitang "uplines", "downlines", "membership", at "recruit", sagot niyay legal ang AMWAY at hindi ito puwedeng tawaging illegal pyramiding.
<
Laman ng Metro pages ng mga broadsheets nitong mga nakaraang araw ang "kengkoy" na artistat alkaldeng si Joey "Tsong" Marquez. Mabuti naman, nakapagpiyansa agad itong payasong mayor at nakaiwas siya sa malaking kahihiyan.
Matagal ng kaso itong "P6.4 million textbook scam" laban kay Marquez, simula noong 1998 pa. Lumalabas na may "pumeke" raw sa pirma nitong si Tsong nung mga panahong yon.
At nung mga panahong yon, kaliwat kanan ang mga kasong graft na isinampa sa Ombudsman laban kay Marquez. Binansagan siyang "Walis Tingting King".
Itoy tungkol naman sa anomalya sa mga walis tingting na ginamit ng mga street sweepers ng Parañaque kung saan kahit sino, mahihilo sa presyo ng "espesyal" na walis ni Tsong.
Mayor "Tsong", may isang tao ka riyan sa city hall na ang initials ay "M.J." na siyang humaharap kay Carreon sa kontrobersyal na mga libro.
Of course, alam mo ang nasabing transaksiyon. Nakakahiyang sabihin na "naiputan" ka sa iyong bumbunan. May pumeke sa iyong pirma? Lumang tugtugin na yan sa iyong city hall, Tsong.
Yung taong humaharap noon kay Carreon malamang ang pumeke ng iyong pirma. Pinahirap-hirapan nyo kasi yung pobre. Heto, gumanti!
Eh marunong lumaban. Kaya heto ngayon, lalong sumisikat ka!
Anong sabi mo? Natutulog ang NBI at hindi nila ginagawa ang kanilang trabaho? Gising ka ba Marquez? He-he-he! Ha-ha-ha! You tickle my funny bone, Tsong!
Para sa mga tips, reklamot sumbong, tumawag o mag-text sa mga numerong ito: (0918)9346417 at telepono 9325310/9328919. Magbasa ng diyaryong PM (Pang-Masa) tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. Makinig sa DZME 1530 kHZ, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. Panoorin ang "BITAG" tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon, ABC-5.
E-mail us: [email protected]
Kabilang na rito yung kanilang mga e-mail sa ibayong dagat. "Nalilito" sa mga balitang nababasa nila hinggil sa mainit na isyu ng ILLEGAL PYRAMIDING na naging laman ng ibat ibang pahayagang broadsheet nitong mga nakaraang linggo.
Naging masigasig ang kolum na itong sundan ang mga pangyayari matapos na mahuli ang mga "malalaking isda" na nasa likod ng illegal pyramiding.
Ginawa naming basehan ang listahan ng Securities and Exchange Commission (SEC) at Department of Trade and Industry (DTI) laban sa mga kompanyang kanilang pinangalanan na sangkot raw sa illegal pyramiding at network marketing scam.
Ayaw ko sanang banggitin ang mga pangalan ng mga kumpanyang kanilang tinatanong kung legal nga ang mga sumusunod: FIRST QUADRANT, FOREVER LIVING, NET TAIPAN, POWERHOMES UNLIMITED INC., at iba pang mga kompanyang hindi gaanong kilala.
Ang sagot ng kolum na ito, "REHISTRADO ang mga kumpanyang nabanggit. Pawang may mga produktong ibinebenta ang mga ito at may kani-kanilang disenteng tanggapan."
Base sa aming pagsusuri at pakikipanayam sa assistant director ng Bureau of Trade Regulation and Consumer Protection ng DTI na si Jaime Olmos, ang mga sumusunod na terminolohiyang "uplines", "downlines", "membership", at "recruit" ay hudyat na para sabihing maaaring illegal pyramiding ang estilo ng pagbebenta ng isang kompanya.
Nung tinanong namin siya kung anong kanyang pananaw sa operasyon ng AMWAY na kung saan sa kanila nagsimula ang mga salitang "uplines", "downlines", "membership", at "recruit", sagot niyay legal ang AMWAY at hindi ito puwedeng tawaging illegal pyramiding.
Matagal ng kaso itong "P6.4 million textbook scam" laban kay Marquez, simula noong 1998 pa. Lumalabas na may "pumeke" raw sa pirma nitong si Tsong nung mga panahong yon.
At nung mga panahong yon, kaliwat kanan ang mga kasong graft na isinampa sa Ombudsman laban kay Marquez. Binansagan siyang "Walis Tingting King".
Itoy tungkol naman sa anomalya sa mga walis tingting na ginamit ng mga street sweepers ng Parañaque kung saan kahit sino, mahihilo sa presyo ng "espesyal" na walis ni Tsong.
Mayor "Tsong", may isang tao ka riyan sa city hall na ang initials ay "M.J." na siyang humaharap kay Carreon sa kontrobersyal na mga libro.
Of course, alam mo ang nasabing transaksiyon. Nakakahiyang sabihin na "naiputan" ka sa iyong bumbunan. May pumeke sa iyong pirma? Lumang tugtugin na yan sa iyong city hall, Tsong.
Yung taong humaharap noon kay Carreon malamang ang pumeke ng iyong pirma. Pinahirap-hirapan nyo kasi yung pobre. Heto, gumanti!
Eh marunong lumaban. Kaya heto ngayon, lalong sumisikat ka!
Anong sabi mo? Natutulog ang NBI at hindi nila ginagawa ang kanilang trabaho? Gising ka ba Marquez? He-he-he! Ha-ha-ha! You tickle my funny bone, Tsong!
E-mail us: [email protected]
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am