^

PSN Opinyon

Pangontra sa SARS

SAPOL - Jarius Bondoc -
MATAGAL nang usap-usapan itong malalang trangkasong tila galing sa Tsina. Nu’ng Agosto pa, napansin na ng mga peryodista na isa sa bawat tatlong bumibiyahe sa Shanghai o Xiamen, tinatrangkaso nang sampung araw pagbalik sa Maynila. Binansagan tuloy nila itong ten-day flu.

Nangilabot pa rin ang media sa kalatas ng World Health Organization na meron ngang Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS). Sa anim na bansa sa Southeast Asia, kasama ang Pilipinas, 435 kaso ang naitala nito lang dalawang buwan; sampu ang namatay.

Mapupulot ang SARS sa isang carrier na tao –’yung may sakit na. Iwasang mang-ubo at maubuhan. Kung puwede, huwag muna bumiyahe sa China, Hong Kong, Taiwan, Vietnam, Thailand at Singapore. Sa loob ng 2-7 araw mula contact, lalabas na ang symptoms: Pananakit ng ulo’t kalamnan, pagtatae, ubo, lagnat, kapos-hininga, hilo, panlalambot-kilos, paninigas ng muscles, at antok.

Huwag mag-panic, payo ni Dr. Ma. Paz Ugalde, hepe ng Quezon City health department: Hindi lahat ng ubo’t lagnat ay SARS, at di lahat ng SARS ay nakamamatay. Kung maramdaman ang symptoms, uminom agad ng maraming fluids –tubig, buko juice, sabaw. Kumain din ng sapat na karne, isda, prutas at gulay. At magpahinga agad. Sigla ng katawan ang pangontra sa SARS. Sa ilang pasyente kasi, ayaw tablan ng antivirus at antibiotics ang mystery disease. Tapos, tumungo sa doktor o ospital.

Kung taga-QC, ayon kay Mayor Sonny Belmonte, tumungo agad sa barangay health center o district hospital. Nagpakalat sila ng kaalaman at gamot kontra-SARS.

Sinusuri ng scientists sa US-Center for Disease Control kung virus o bacteria nga ang ugat ng SARS. Ano’t ano pa man, maging malinis palagi sa sarili. Tiyaking safe ang tubig sa bahay, iskuwela at opisina. Maghugas ng kamay bago kumain at pagkatapos sa toilet. Huwag gagala-gala sa mga ospital kung saan maraming may-sakit.
* * *
Abangan: Linawin Natin, Lunes, 11 p.m., sa IBC-13.

DISEASE CONTROL

DR. MA

HONG KONG

HUWAG

LINAWIN NATIN

MAYOR SONNY BELMONTE

PAZ UGALDE

QUEZON CITY

SARS

SEVERE ACUTE RESPIRATORY SYNDROME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with