^

PSN Opinyon

Ang paglilinis ng Templo

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
Ang Kuwaresma ay panahon ng pananalangin, pag-aayuno at paglilinis. Ang Simbahan, sa Liturhiya para sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma, ay ginagamit ang paglilinis sa Templo upang bigyang-pagkakataon tayong mga Kristiyano na pagnilayan ang ating mga sarili at tingnan kung gaano natin kailangan ang panloob na paglilinis (Jn. 2:13-25).

"Malapit na ang Paskuwa ng mga Judio, kaya’t pumunta si Jesus sa Jerusalem. Nakita niya sa templo ang mga nagbibili ng baka, mga tupa, at mga kalapati, at ang mga namamalit ng salapi. Gumawa siya ng isang panghagupit na lubid at ipinagtabuyang palabas ang mga mangangalakal, pati mga baka at tupa. Isinabog niya ang salapi ng mga namamalit ng pera at pinagtataob ang kanilang mga hapag. Sinabi niya sa mga nagbibili ng kalapati, ‘Alisin ninyo rito ang mga iyan! Huwag ninyong gawing palengke ang bahay ng aking Ama!’ Naalaala ng kanyang mga alagad na sinasabi sa Kasulatan, ‘Ang aking malasakit sa iyong bahay ay parang apoy na nag-aalab sa puso ko.’

"Dahil dito’y tinanong siya ng mga Judio, ‘Anong tanda ang maibibigay mo upang patunayang may karapatan kang gawin ito?’ Tumugon si Jesus, ‘Gibain ninyo ang templong ito at muli kong itatayo sa loob ng 3 araw.‚ Sinabi ng mga Judio, ‘Apatnapu’t anim na taon na ginawa ang templong ito, at itatayo mo sa loob lamang ng tatlong araw?’

"Ngunit ang templong tinutukoy ni Jesus ay ang kanyang katawan. Kaya’t nang siya’y muling mabuhay, naalaala ng kanyang mga alagad na sinabi niya ito; at naniwala sila sa Kasulatan at sa mga sinabi ni Jesus.

"Nang Pista ng Paskuwa, nasa Jerusalem si Jesus. Marami ang sumampalataya sa kanya nang makita nila ang mga kababalaghang ginawa niya. Subalit hindi nagtiwala sa kanila si Jesus, sapagkat kilala niya silang lahat. Hindi na kailangang may magsalita pa sa kanya tungkol sa kaninuman, sapagkat talastas niya ang kalooban ng lahat ng tao."


Paano natin iaangkop ang mga pangyayari sa ating mga sarili? Tayo ang mga templo ng Espiritu Santo. Ginagawa ba natin ang Kuwaresma bilang mga araw ng pananalangin at pakikiisa sa Diyos? O masyado ba tayong naiipit sa mga pangmundong pinagkakaabalahan na wala na tayong oras para sa Diyos? Tayo ba’y nag-aayuno upang pagbayaran ang mga kasalanang ating nagawa sa nakaraan?

Tunay nga, hayaan nating tulungan tayo ng Ebanghelyo na pang-espiritwal na ihanda ang ating mga kalooban upang maipagdiwang ang dakilang Pampaskuwang mga pangyayari – ang Pasyon at Pagkabuhay na mag-uli ni Jesus.

ANG KUWARESMA

ANG SIMBAHAN

DIYOS

ESPIRITU SANTO

IKATLONG LINGGO

JESUS

JUDIO

KASULATAN

KUWARESMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with