Maaari bang mag-avail ng mababang interes sa Pag-IBIG?

Dear Sec. Mike Defensor,

Lagi kong binabasa ang inyong kolum dito sa Pilipino Star NGAYON. Marami akong natutuhan bilang member ng Pag-IBIG. Meron lang po akong katanungan.

Noong 1998, nag-avail ako ng housing loan sa Pag-IBIG. Updated ako sa aking pagbabayad. Maari ko kayang ma-avail ang mababang interes na ito sa aking kasalukuyang utang sa Pag-IBIG? Malaking ginhawa ito sa aming pamilya lalung-lalo na at nag-aaral pa naman ang aking mga anak sa kolehiyo – Marissa ng Pasig


Sa kasalukuyan ang halaga ng interes sa Pag-IBIG Housing Loan ay ang sumusunod:

LOAN AMOUNT INTERES

P150,000 and below --- 6%

Over P150,000 – P225,000 --- 9%

Over P225,000 – 500,000 --- 10%

Over P500,000 – 2,000,000 --- 12%

Sa mga kababayan na mayroong kasalukuyang housing loan sa Pag-IBIG. Maaari ninyong i-avail ang nasabing halaga ng interes sa inyong loan. Makipag-ugnayan lamang kayo sa inyong Regional/Branch Office kung saan natake-out ang inyong loan o dito sa Pag-IBIG Office, Atrium Bldg., Makati Avenue, Makati City sa karagdagang detalye.

Show comments