Bombahan sa Iraq wa epek sa Pinas!
March 22, 2003 | 12:00am
HINDI pa man natatapos ang taning na 48 hours na ibinigay ni President George W. Bush upang umalis si Saddam Hussein at kanyang dalawang anak, bumira na kaagad ang US. Tinotoo ang babala.
Sa aksyon ni Bush, ipinakita niya na mayroon siyang isang salita at talagang desididong giyerahin ang Iraq. Walang nagpabago ng kanyang kalooban sa kabila ng panawagan sa kanya ng mga pinuno ng ibang bansa.
Kahit si Bush pa ang lumalabas na kontrabida ay balewala sa kanya samantalang si Saddam ang halimaw at pinararatangang murderer, first-class human rights violator. Si Saddam ang itinuturo sa pag-atake sa Twin Tower sa New York at nasa likod ng mga terorismo sa US at ibat ibang parte ng mundo. Imbes na si Saddam ang kamuhian nabaligtad ang pangyayari.
Sa pag-atake sa Iraq, wala namang nagulantang sa ginawa ng mga Amerikano. Kung kayat tuluy-tuloy pa rin naging normal ang takbo ng buhay dito sa Pilipinas at maging sa Amerika at ibang lugar. Sa katunayan nga, tumaas pa ang halaga ng piso. At bumaba ang presyo ng gasoline at ibang bilihin.
Makabubuti kung tayo ay magiging mahinahon at magdarasal na maligtas ang ating bansa at mga kababayang nasa Middle East. Ipanalangin din natin na matapos kaagad ang US-Iraq war.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest