Talaga namang lugmok ang ating bansa na dapat ibangon. At huwag ikatuwirang itoy naiimpluwensyahan ng mga krisis sa daigdig. Matagal nang lugmok ang bansa hindi pa man nagsusulputan ang mga krisis na ito. Ang situwasyon ay lalung naglulubha sa pagdaraan ng mga araw. Dumarami ang mahihirap at isa sa dahilang nasisilip natin ay ang talamak na korupsyon sa gobyerno.
Kaya nakatawag pansin sa akin ang plataporma ni Honasan lalu na yung puntong paglansag sa graft and corruption sa gobyerno. Ipinapanukala ang kumpletong pagbalasa sa mga graft prone agencies tulad ng BIR, Customs at iba pang revenue collecting agencies. Siguro isama na natin diyan ang madalas nating batikusing Bureau of Immigration.
Reporma rin sa Pulisya at militar ang hirit ni Gringo para may panlaban ang bansa sa mga banta sa seguridad at kapayapaan.
Sasabihin siguro ng iba, "easier said than done." Totoo marahil. Kasi ang ganitong mga panukalay narinig na rin natin sa ibang mga leader ng bansa. Ang problema, kapag naririyan na sila sa itaas ay kinakapos na ng political will para ipatupad ang kanilang mabuting plano.
Iba naman siguro itong si Gringo. Napansin ko kasiy low-profile ang taong ito. Hindi katulad ng ibang politiko na mahilig sa grandstanding para maka-attract ng attention. Pero kahit low-profile ay kapansin-pansin ang magandang rating niya sa mga popularity surveys sa mga may ambisyon sa 2004.
Dahil nga sa mga bangayan ng mga politiko sa gobyernoy napaparalisa ang operasyon. Sa mga proyektong pakikinabangan ng tao kinakapos ng pondo subalit sa perang inaaksaya sa pansariling luhoy bigay todo. Iyan ang malinaw na korupsyon na talagang dapat lansagin at durugin.