^

PSN Opinyon

Ang talinhaga ng ubasan

ALAY DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
Narito ang talinhaga na isinulat ni Mateo (Mt. 21:33-43; 45-46).

"Pakinggan ninyo ang isa pang talinghaga. May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid, at ito’y binakuran niya. Gumawa siya roon ng pisaan ng ubas, at nagtayo ng isang mataas na bantayan. Pagkatapos, kanyang iniwan sa mga kasama ang ubasan, at siya’y nagtungo sa ibang lupain. Nang dumating ang panahon ng pitasan, pinapunta ng may-ari ng ubasan ang kanyang mga alipin upang kunin sa mga kasama ang kanyang kaparte. Ngunit sinunggaban ng mga kasama ang mga alipin; binugbog nila ang isa, pinatay ang ikalawa, at binato naman ang ikatlo. Pinapunta uli ng may-ari ang mas maraming alipin, ngunit gayon din ang ginawa ng mga kasama sa mga ito. Sa kahuli-huliha’y pinapunta niya ang kanyang anak na lalaki. "Igagalang nila ang aking anak," wika niya sa sarili. Ngunit nang makita ng mga kasama ang anak, sila’y nag-usap-usap: "Ito ang tagapagmana. Halikayo! Patayin natin nang mapasaatin ang kanyang mamanahin." Kaya’t siya’y sinunggaban nila, inilabas sa ubasan at pinatay.

"‘Pagbalik ng may-ari ng ubasan, ano kaya ang gagawin niya sa mga kasamang iyon?" Sumagot sila, ‘Lilipulin niya ang mga buhong na iyon, at paaalagaan ang ubasan sa ibang kasama na magbibigay sa kanya ng kaparte sa panahon ng pamimitas." Tinanong sila ni Jesus, "Hindi pa ba ninyo nababasa ang talatang ito sa Kasulatan? "Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay ang siyang naging batong panulukan. Ginawa ito ng Panginoon, at ito’y kahanga-hanga!" Kaya nga sinasabi ko sa inyo: hindi na kayo ang paghaharian ng Diyos kundi ang bansang maglilingkod sa kanya nang tapat."

"Narinig ng mga punong saserdote at ng mga pariseo ang mga talinghaga ni Jesus, at naunawaan nilang sila ang pinatatamaan niya. Dadakpin sana nila siya, ngunit natakot sila sa mga tao, sapagkat kinikilala ng mga ito na propeta si Jesus."


Ang mga bunga na nais ng Diyos na maani mula sa mga Judio ang kanilang pagiging isang komunidad, katarungan, pagmamahal sa Diyos at sa kapwa. Datapwat ang mga Judio ay di-namunga.

Nagsugo ang Diyos sa kanila ng mga propeta. Minaltrato nila ang mga propeta. Pinatay nila ang ilan sa kanila. Tulad ng talinghaga, mismong ang anak na sinugo niya ay kanilang pinatay.

Malinaw na ipinakikita ng talinghaga na ang mga punong saserdote at mga Pariseo ang siyang tinutukoy ni Jesus. Inilipat ng Diyos ang pananagutan sa iba: Sa mga disipulo at alagad ni Jesus. Ang mga ito ang mamumunga.

DADAKPIN

DATAPWAT

DIYOS

JUDIO

KAYA

NGUNIT

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with