Sa Ebanghelyo ngayon sa kapistahan ni San Jose, isinasalarawan siya bilang asawa ni Maria at ama-amahan ni Jesus.
Basahin natin ang Ebanghelyo na ibinigay ni San Mateo (Mt. 1:16, 18-21, 24).
"At si Jacob ang ama ni Jose na asawa ni Maria. Si Maria naman ang ina ni Jesus na tinatawag na Kristo.
"Ganito ang pagkapanganak kay Jesus. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang pakasal. Ngunit bago sila nakasal, si Mariay natagpuang nagdadalantao. (Itoy sa pamamagitan ng Espiritu Santo.) Isang taong matuwid itong si Jose na kanyang magiging asawa, ngunit ayaw niyang mapahiya si Maria, kaya ipinasiya niyang hiwalayan ito nang lihim. Samantalang iniisip ni Jose ito, napakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sabi nito sa kanya, Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tuluyang pakasalan si Maria, sapagkat siyay naglihi sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Manganganak siya ng isang lalaki at pangangalanan mong Jesus, sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.
"Nang magising si Jose, sinunod niya ang utos ng anghel ng Panginoon; pinakasalan niya si Maria. Ngunit hindi ginalaw ni Jose si Maria hanggang sa maipanganak nito ang isang sanggol na lalaki na pinangalanan nga niyang Jesus."
Kung kayat si San Jose ay ipinamamalas bilang ganap na naglilingkod kay Jesus at Maria. Si Jesus ay ipinaglihi sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. Si Jose ang nagsilbing ama-amahan ni Jesus. Nang kinailangan ng Banal na Pamilya na maprotektahan laban sa mapamatay na balakin ni Herodes, dinala ni Jose sina Maria at Jesus sa Egypt. Doon sila namalagi hanggang sa mamatay si Herodes. Pagkatapos, dinala ni Jose sina Jesus at Maria sa Nazaret. Doon silay namuhay nang mapayapa bilang isang pamilya.
Tinuruan ni Jose si Jesus sa pangangarpintero. Walang binabanggit ang Ebanghelyo tungkol sa gaano katagal nabuhay si Jose. Ni kung kailan at paano siya namatay. Subalit maaari tayong makasiguro na siyay namatay sa piling ni Jesus at Maria. Kung kayat si San Jose ay kinikilala rin bilang Patron ng mabuting kamatayan.