Dati akong miyembro ng Pag-IBIG. Nakapaghulog na ako ng 12 buwanang kontribusyon ngunit ito ay natigil dahil nawalan ako ng trabaho.
Nais ko sanang ipagpatuloy ang paghulog. Maari ba ito?
Kung may mangyari ba sa akin, makukuha ba ng aking benepisaryo ang mga naihulog ko? ROGEL, Las Piñas
Ang pagiging miyembro ng Pag-IBIG ay bukas sa lahat. Hindi ito limitado sa mga nagtatrabaho sa gobyerno at pribadong kompanya, maging sa mga nagtitinda sa palengke, may sariling negosyo, nawalan ng trabaho at maging sa mga nanay na nasa bahay lamang ay maaari ring maging miyembro ng Pag-IBIG.
Sa mga nawalan ng trabaho, nagretiro at tumiwalag sa trabaho, maaari naman ninyong ipagpatuloy ang inyong paghuhulog sa Pag-IBIG.
Ang inyong kontribusyon sa Pag-IBIG ay maaari ninyong mai-withdraw pagnamatay, nagkasakit o nawalan ng trabaho ang naghuhulog. Makipag-ugnayan lamang kayo sa Claims Division ng Pag-IBIG.
Pumunta lamang sa Membership Section, First Floor, Atrium Bldg., Makati Avenue, Makati City o anumang branch ng Pag-IBIG. Mag-fill-up lamang ng membership form para sa inyong voluntary membership dito. Magdala lamang po kayo ng dalawang retrato.