^

PSN Opinyon

Classmate ni Ting: Hamon kina Lina, Ebdane at Velasco

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
TULOY pa rin ang ligaya ni Leo Ting, may-ari ng Classmate Digital KTV na matatagpuan sa 1012 Quezon Ave., sa Quezon City, habang patuloy din ang pagsimot nila ng bulsa ng kanilang mga customer dahil sa sari-saring mga pakulo nila. At habang palaging ngiting aso si Ting at mga kasosyo niya dahil sa laki ng kita nila, tuloy din ang pagkasimangot ng mga asawa ng kani-kanilang mga customer dahil kakarampot na lang ang kita na dumarating sa kanila. Ibig sabihin niyan patuloy ding sinusuwag ni Ting ang mga opisina nina Interior Secretary Joey Lina, PNP chief Dir. Gen. Hermogenes Ebdane Jr., at NCRPO chief Dep. Dir. Gen. Reynaldo Velasco, di ba mga suki?

Pero ayon naman sa mga pulis na nakausap ko, ni-raid na ng Task Force Jericho ni Lina ang Classmate noong nakaraang Disyembre. Nakasuhan itong mga nahuli sa Classmate subalit ito ang tinatawag nila sa police lingo mga suki na ‘‘case filed.’’ Sa ganitong sitwasyon kasi, mali-mali ang mga statements, lalo na ang mga pangalan ng mga nahuling babae o GRO, na ipinasa ng mga raiders sa piskalya kaya’t walang nagawa ang mga ito kundi idismiss ang kaso. Dito maglalagay ang may-ari ng establisimiyento at kung may magrereklamo man may maipakitang ebidensiya ang mga raiders at ang naiiwang masama sa mata ng tao ay ang piskalya nga. Sino ang kukuwestiyon ng ganitong pamamalakad ng ating kapulisan eh ginampanan naman nila ang kanilang trabaho? Me accomplishment na me pera pa. Get n’yo mga suki? At P100,000 daw ang ipinalit ni Ting para e-case filed na ang kaso ng mga GRO niya, ayon pa sa mga pulis na nakausap ko. Alam kaya ito ni Atty. Morga?

At para siguro mabawi ang ginastos niya noong nakaraang Disyembre, kung anu-anong klaseng pakulo na ang isinaisip ni Ting para lalong maganyak ang mga mainit na kalalakihan na pasukin nga ang Classmate Digital KTV. Isa rito ay ang tinatawag niyang Plane Treat to US kung saan ang mga kustomer na nakalikom ng 600 points ay makasali na sa contest. Kung ang kustomer na five points ay idadagdag sa mga kustomer na iinom ng whisky o brandy, 10 points naman ang iinom ng mamahaling alak tulad ng Remy Martin VSOP at 15 points naman sa Remy Martin XO.

Hindi lang ’yan. Meron ding 20 kababaihan si Ting na wala ng ginawa kundi makipag-table sa mga VIP rooms. Ayaw nitong grupo na sumayaw sa entablado dahil mula P2,000 hanggang P3,000 lang ang budget dito. Pero kapag nakapasok na sila sa mga VIP rooms eh automatic na P1,100 ang kita nila. At ang mga kababaihan na ito ay may nag-aalaga, na maari nating tawaging bugaw, na retiradong opisyal ng PNP natin. Pero, anang mga pulis na nakausap ko, ibinubugaw din ni Sir ang mga babae niya sa iba’t ibang KTV tulad ng Pegasus, LeGende, Mystique, Lexus at iba pa.

Sobra talaga ang tibay nitong Classmate ni Ting no mga suki? Pero hamunin nating muli itong mga opisina nina Lina. Ebdane at Velasco at mamatyagan ng sambayanan kung may magawa pa sila laban dito. Basta, iwasan ang case-filed ha, mga Sir?

CLASSMATE DIGITAL

DISYEMBRE

HERMOGENES EBDANE JR.

INTERIOR SECRETARY JOEY LINA

LEO TING

PERO

PLANE TREAT

QUEZON AVE

REMY MARTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with