^

PSN Opinyon

Pneumonia virus, sakit na kinatatakutan sa NAIA

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NAGPAPASALAMAT ng lubos ang mga kuwago ng ORA MISMO, kay Ferdie Gawaran, isang reader ng Pilipino Star NGAYON, na pumuna sa atin noong Sabado dahil hindi daw pormal ang ating kolum porke binabaligtad natin ang ilan sa ating lenguwahe tulad ng Noypi, sopi etcetera.

For your information, Mr. Gawaran, may kanya-kanyang istilo ng pagsusulat sa kolum bilang Opinion writer at ito ang style ng pagsusulat ng Chief Kuwago.
* * *
Ang isyu… ang Pneumonia virus, ay isang sakit na kinatatakutan ngayon sa Asia. Nagbabala ang World Health Organization (WHO) sa Geneva na may outbreak ng sakit sa Vietnam, Hong Kong at China.

Limang tao ang namamatay dito at 100 katao raw ang nasa ospital ang kasalukuyang ginagamot.

Wala raw gamot sa nasabing killer virus?

Sa ulat, may limang tao ang namatay at 100 naman ang nasa ospital.

Isang carrier ng mabagsik na virus ang sinasabing nasa custody ng Human Quarantine office, matapos itong dumating sa NAIA noong Marso 11 sakay ng Philippine Airlines flight PR-592 galing Ho Chi Minh City.

Napag-alaman ang biktima ay nagtrabaho sa Vietnam bilang contract worker umalis ito sa bansa noong Enero 4.

Nagpalabas ng kalatas ang pamahalaan ng Vietnam sa Pinas tungkol sa paglaganap ng sakit at pinayuhan ang lahat ng pasahero mula sa nabanggit na mga bansa na dumaan muna sa Bureau of Quarantine para sa medical examination.

Dahil sa nasabing killer virus, nataranta ang pamunuan ng Manila International Airport Authority, porke mahirap tiktikan ang taong carrier ng pneumonia virus kasi walang physical manifestation ang taong may sakit.

Sinasabi na 7 days bago ma-monitor ang isang taong may sakit ng pneumonia virus.

Nagpulong ang mga opisyal sa airport kung paano nila matiktikan ang mga pasaherong carrier ng mapanganib na sakit.

Dadaan ang mga pasaherong galing Vietnam, Hong Kong at China sa isang masusing pagsusuri para maiwasan makapasok ang nasabing killer virus sa bansa.

‘‘Paano kung positive sa sakit ang isang pasahero lalo’t isa itong foreigner?’’ tanong ng kuwagong manghihilot.

‘‘Yan ang malaking problema kung papapasukin ito o gagamutin sa atin,’’ sagot ng kuwagong pulis na naglalanggas ng kanyang sariling galis.

‘‘Eh kung ayaw pumayag ng kamote?’’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Simple lang ang sagot diyan,’’ sagot ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Ano?’’

‘‘Ideport!’’

‘‘Korek ka diyan, lagapot.’’

BUREAU OF QUARANTINE

CHIEF KUWAGO

FERDIE GAWARAN

HO CHI MINH CITY

HONG KONG

HUMAN QUARANTINE

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

MR. GAWARAN

PHILIPPINE AIRLINES

PILIPINO STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with