Tamang asal sa nayon
March 18, 2003 | 12:00am
MARAMI sa atin na walang karanasan sa nayon ang nababahala sa ating asal at galaw pag tayo ay pumunta sa kanayunan. Ito ay hindi nakakapagtaka dahil hindi natin alam ang mangyayari.
Para itong pangamba natin tungkol sa kamatayan.
Kaya malimit maitanong sa sarili ang Paano ko gagalaw sa nayon? Paano ko tatanggapin ang kilos ng mga taga-nayon?
Dahil maraming taon din akong tumira sa nayon bilang isang doktor, marami akong natutunan at napulot na aral. Nais kong ibahagi ang ilan:
Laging bigyan ng pagkakataon na huwag mapahiya ang isang tao.
Isang kasabihan ang nagpapatunay dito. Ako ay inyo nang patayin, huwag mo lang akong hihiyain.
Hindi ko malilimutan ang naging kasamahan ko sa trabaho sa nayon. Maganda ang babaing ito na hindi nagkakaproblema kahit siya ang ligawan ng mga binata sa nayon.
Marunong siyang humawak sa kalagayan. Halimbawa, pag nakatanggap ng sulat sa gustong lumigaw, hindi napapahiya ang sumulat kahit na siya ay pahindian ng babae. Lalo na pag tinukso ang lumiligaw o kutyain at mapahiya, nagiging batayan ng marahas na galaw. Sa kilala kong ito ay walang mapapahiya dahil sa walang nakakaalam.
Mas mabuti na ang iwasan ang problema kaysa gumawa ng sitwasyon na mauuwi sa gulo at samaan ng loob.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended