^

PSN Opinyon

Pilipino Star NGAYON: Isang Pamilya

ALAY DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
SA nakaraang World Meeting of Families na ginanap dito sa Maynila noong Enero 22-26, ang tema ay: Ang Kristiyanong Pamilya: Mabuting Balita para sa Ikatlong Milenyo.

Para sa ika-17 anibersaryo ng Pilipino Star NGAYON, ang tema ay nauukol din sa Pamilya. Nararapat lamang, sapagkat ang Pilipino Star NGAYON ay isang pamilya. Ang ibig kong sabihin ay: Ang Publisher, ang Editorial Board, ang mga reporter, mga tagapaglimbag, mga kolumnista – lahat ay nagtatrabaho bilang isang pamilya. Si Miguel Belmonte, bilang President, ay nakikitungo sa lahat ng uri ng tao na nasasakupan niya nang may paggalang at pangangalaga. Nararamdaman ng kanyang mga tauhan na sila’y itinuturing na kapamilya.

Sa palagay ko, ang pampamilyang espiritung ito ay maaari nating iugnay kay Betty Go-Belmonte, na siyang unang nagtatag ng Ang Pilipino Star NGAYON. Si Betty ay isang napakarelihiyosang tao. May pagmamahal siya at respeto sa lahat ng mga nagtatrabaho sa pahayagan. At bagamat hindi na natin siya kapiling ngayon, patuloy niya tayong ipinamamanhik na ating ipagpatuloy ang diwa na kanyang sinimulan at binigyang-halimbawa.

Ang pampamilyang espiritu ay nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan habang ginagampanan namin ang aming mga sari-sariling trabaho sa pahayagan. Si Al Pedroche, ang ating Editor-in-Chief ay isa ring relihiyosong tao. Sa kanyang Litra-talk, nagagawa niyang ipasok ang pagpapatawa. Sa pakikitungo niya sa mga taong nasasakupan niya, mayroon ding pangangalaga at pagrespeto para sa kanila. Ang bawat isa’y nahihikayat niya na maging palagay ang loob subalit maresponsableng gumawa ng kani-kanilang tungkuling naiatang sa kanila.

Bilang pagbabalik sa punto ng Kristiyanong Pamilya bilang Mabuting Balita sa ikatlong milenyo, ang pamilya ni Betty ay isang huwarang pamilya. Ganoon din ang pamilya ni Miguel. At ganoon din naman ang pamilya ni Al. Ang tatlong pamilyang ito ay Mabuting Balita para sa ikatlong milenyo. Lahat sila’y nagtataguyod ng Paghahari ng Diyos. Ang Pilipino Star NGAYON, ang Diyaryo ng Masa ay parating hinahanap ang Paghahari ng Diyos. Lahat ng mga manggagawa nito ay naghahanap-buhay. Subalit kasabay nito ay ang kanilang pagtataguyod ng Paghahari ng Diyos.

At dahil dito, patuloy na bibiyayaan ng Diyos ang Diyaryo ng Masa
ang Pilipino Star NGAYON. At iyan din ang aming panalangin habang ipinagdiriwang natin ang ika-17 anibersaryo ng ating pahayagan.

Happy anniversary sa ating lahat!

vuukle comment

AL PEDROCHE

ANG KRISTIYANONG PAMILYA

ANG PILIPINO STAR

ANG PUBLISHER

DIYOS

MABUTING BALITA

PAGHAHARI

PAMILYA

PILIPINO STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with