^

PSN Opinyon

'Iresponsableng' pahayag ng SEC at DTI sa kanilang mga inaakusahan (Last Part)

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
KUNG pagbabasehan natin ang sinabi nitong opisyal ng Net Taipan, may "sindikato" sa loob ng DTI-NCR na siyang nagsusuri sa mga kumpanyang pinaghihinalaan.

Delikado ang sitwasyong ito. Maaaring ang mga pinagsasabi ng mga matataas na opisyal ng DTI tulad ni Sec. Mar Roxas ay base sa mga aksyon ng mga "sindikatong" mangongotong (sa loob).

Gaya ng aking malimit na sinasabi sa kolum na ito, hindi ako magsasalita at magsusulat nang walang pinanghahawakang dokumento. Hindi namin puwedeng banggitin ang pangalan ng nasabing direktor ng DTI-NCR dahil hindi tahasang binanggit ang kaniyang pangalan.

Bagkus, itinuro lamang ni Jonel Guittap, Director for Marketing ng Net Taipan Corporation ang pangalan ng NCR director na nakapirma sa isang liham na ipinadala sa Net Taipan nung Enero 20, kung saan sila’y inanyayahan upang ipresinta ang kanilang marketing and business plan.

Dagdag pa ni Jonel sa harap ng aming camera para sa aming investigative TV program, ang BITAG na mapapanood tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon sa ABC-5, nagyabang pa raw itong direktor ng DTI-NCR na siya lamang ang tanging tagapagsalita ng grupong nag-iimbestiga tungkol sa mga kumpanyang pinaghihinalaang sangkot sa illegal pyramiding.
* * *
Nitong nakaraang Marso 7, matapos naming makapanayam ang Net Taipan, agad kaming nagplano ng isang surveillance sa direktor ng DTI-NCR.

Nakipagtulungan naman sa amin ang Net Taipan upang maisakatuparan ang nasabing surveillance na dapat susundan agad ng isang entrapment operation.

Ngunit biglang nagbago ang ihip ng hangin, nung tumawag sa BITAG ang Net Taipan nitong ika-10 ng Marso upang ibalita na lalabas na raw ang kanilang clearance mula sa DTI matapos nilang ipresinta ang kanilang marketing and business plan.

Subalit bago ang lahat, ang buong investigative team ng BITAG sa TV ay nakita ng mga miyembro ng Net Taipan sa loob ng kanilang establisyimento, nag-iimbestiga, nung ika-5 ng Marso.

Ito’y matapos mapasama ang pangalan ng kanilang kumpanya sa listahan ng mga sangkot sa illegal pyramiding mula sa pahayag ng DTI. Posibleng nakatunog na ang mga kinauukulan sa ginagawang hakbang ng BITAG.

DTI Sec. Mar Roxas, para sa iyong kaalaman, nakahandang makipagtulu-ngan ang BITAG upang matigil na ang panloloko ng mga kumpanyang nasa likod ng illegal pyramiding at network marketing scam.

DTI

JONEL GUITTAP

MAR ROXAS

MARSO

NET

NET TAIPAN

NET TAIPAN CORPORATION

TAIPAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with