Ang naglahong Basilio Chua case
March 17, 2003 | 12:00am
NATALAKAY ko sa aking Friday column sa ating sister paper na PM (Pang-Masa) ang tungkol kay Basilio o Leon Chua. Ang illegal Chinese na inaresto kamakailan ng Bureau of Immigration.
Big fish ito dahil nakapagpundar ng malaking negosyo sa loob ng maraming taon hanggang sa dakmain ng mga immigration agents at i-presscon pa ni Immigration Chief Andrea Domingo. Pero ang isyu ay naglahong parang bula at ang balita koy nagkaayusan na. Sa halagang P25 milyon umano na "ipinadulas" ni Chua, nabura ang kanyang kaso, anang aking surot.
May nakabasa sa kolum at agad tumawag sa akin noong Biyernes. Kinukumpirma ang ating naisulat at nangakong bibigyan pa ako ng dagdag na impormasyon. Ang tumawag ay isang taong nagmamalasakit daw sa Bureau of Immigration at ibig nang malansag ang lahat ng katiwalian sa ahensya. Ayaw niyang magpabanggit ng pangalan.
Salamat daw at tinalakay ko ito dahil siya man ay nagtataka kung bakit naglaho ang isang importanteng isyu.
Isa raw electronic expert itong si Chua kaya may kaugnayan sa kanyang nalalaman ang itinayo niyang negosyo na pumatok naman at nagpasok sa kaniya ng limpak-limpak na bilyones. Ang problema aniya ay "talagang ilegal siya." Isa pa, peligrosong tao raw ito. Nakakapagbayad siya ng hired killers para ipatumba ang mga kalaban niya.
Naniniwala akong impluwensyal ang taong ito. Nang una siyang mahuli, may mga mambabatas at ibang mataas na opisyal sa gobyernong nagtangkang umarbor sa kanya. At nang madakip daw si Chua, sinabi pa niya nang walang kanerbyos-nerbyos: "Pera pera lang iyan." Suntok man sa buwan ang ginagawa natin, mabuti na yung sumusuntok kaysa nagwawalang bahala.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am