Nasa panganib magkaroon ng varicose veins ang mga taong ang trabaho ay kinapapalooban nang mahabang oras ng pagtayo. Nasa panganib din na magkaroon ng varicose veins ang mga taong matataba. Nasisira ang daloy ng dugo pabalik mula sa paa at mga binti.
Ang mga taong madalas kumain ng mataas sa fiber ay nababawasan ang panganib sa pagkakaroon ng varicose veins. Dagdagan ang pagkain ng mansanas, sariwang berdeng gulay, wheat pasta, wholemeal bread at brown rice.
Ang pinaka-da best na payo para maiwasan ang varicose veins ay panatilihin ang katamtamang pangangatawan. Iwasang maging obese. Dagdagan ang pagkain ng mga prutas at fiber.
Ang pagkakaroon ng regular exercise, lalo na ang paglalakad ay pinakamahusay na paraan para hindi magkaroon ng varicose veins. Iwasang tumayo nang matagal na oras at iwasan ding mag-cross legs. Put your feet up whenever you can.