Training ng mga tanod bagong pakulo ni Lina
March 14, 2003 | 12:00am
KUNG anu-anong propaganda na lang ang inilalabas ng opisina ni Interior Secretary Joey Lina para makalimutan na ng sambayanan ang ika-isang taon ng jueteng campaign niya. Sa totoo lang, habang labas nang labas ang opisina niya ng mga pakulo, sumasakit naman ang tiyan ng kapulisan natin sa katatawa dahil hindi sila naniniwalang totoo ang mga tinuran niya. Sinabi ng mga pulis na nakausap ko na gusto lamang ni Lina na takpan ang sumemplang na jueteng campaign niya at maaaring sa hinaharap sisisihin na rin niya ang media, He-he-he! Magpakatotoo ka Secretary Lina!
Ang huling pakulo ni Lina ay ang pag-training ng mga barangay tanod laban sa terorismo at kriminalidad. Naniniwala kasi ang propagandist ni Lina na kapag nakikita ng sambayanan na palaging nasa TV, diyaryo at radyo ang kanilang manok sa pakikibaka sa kriminalidad eh mapatawad na siya sa pagsemplang ng jueteng campaign niya. Kasi nga pati opisina ni Lina ay naniniwala na talamak na talaga ang jueteng sa bansa.
Di ba itong mga barangay tanods ay naatangan na rin ni Lina noon sa kampanya niya laban sa jueteng? Ginamit din sila sa kampanya laban sa komunista, di ba Sec. Lina Sir? Ngayon ang tanong ng sambayanan, may kahihinatnan ba ang dalawang kampanya mo noon at hanggang sa ngayon barangay tanod naman ang ginagamit mo sa mga pakulong naisip mo para takpan ang palpak mong jueteng campaign, ha Secretary Lina Sir? Maraming katanungan na si Secretary Lina lang ang makasasagot.
Ayon naman sa mga pulis na nakausap ko eh, ni minsan wala siyang naulinigang balita na itong mga tanod ay naging susi para masugpo ang jueteng at iba pang uri ng sugal sa kanilang sakop. Bakit? pati sila nakikinabang din dito? Anang mga pulis. Eh kung sa sugal na hindi na kailangan ng armas para ipatupad nila ang mga kautusan ni Secretary Lina hindi sila tumalima dito pa kaya sa programa niya laban sa kriminalidad at terorismo na armado ng de-kalibreng baril ang makakalaban nila? Ano ba yan? Parang isinusubo ni Lina ang mga tanod sa kapahamakan eh hindi naman sila suwelduhan tulad ng ating mga pulis. Paano kung madisgrasya sila, sino ang mananagot ng gastos at sa pangangailangan ng naulila nila?
Ayon kay Secretary Lina, kulang ang ating kapulisan kayat pati ang 800,000 tanod eh isasalang para panatilihing matahimik ang ating bansa. Magandang hangarin, di ba mga suki? Sasanayin daw ang mga tanod kung paano kilalanin ang mga suspicious-looking suspects at sa paghahanap ng bomba.
Ayon naman sa mga nakausap kong pulis, paano maging epektibo itong mga tanod laban sa kriminalidad at terorismo eh mga jueteng joints at video karera machines nga na naglilipana sa mga barangay sa buong bansa eh hindi nila mai-report o maaksiyunan. Maganda lang umanong gamitin ang mga tanod sa propaganda pero kung sa trabaho na hindi sila maasahan, anang mga pulis. Ano ba yan? Ang mga tanod naman ay sakay lamang nang sakay sa mga pakulo ni Lina. Kasi may libreng pagkain sila tuwing may photo-ops at kung bubuwenasin pa may kasamang pamasahe pa?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended