Babala sa nurses
March 14, 2003 | 12:00am
NURSE ka ba na nire-recruit para magtrabaho sa US? Babala: Makipag-deal sa legal na recruiter lamang ng US hospital, school o doctors office. Huwag magbayad ng kahit anong recruitment fee. Binabayaran na ng US employer ang recruiter o consultant ng halagang 10 percent ng unang-taong suweldo ng nurse, na hindi ibabawas sa ni-recruit.
Ilan pang paalala at paglilinaw ni Mel Reyes ng RN Solutions:
(1) Kailangan ng CGFNS accreditation para mag-nurse sa US. Madali mapuwesto kung pasado sa NCLEX exam sa Guam o Saipan.
(2) Dapat pasado rin sa Test of Spoken English (TSE). Maaari mag-review sa TESDA-accredited training centers para sa mas madaling Test of English as Foreign Language (TOEFL).
(3) Lahat ng aplikante ay dadaan sa visa screening ng US embassy. Ihanda lahat ng papeles-birth at marriage certificate, transcript of school records, passport, atbp.-para lakarin ng recruiter.
(4) Nurse ang trato sa doktor na nag-a-apply bilang nurse. Lahat ng requirements, dapat i-submit din. Walang special privilege sa doktor.
(5) May mga ospital na nagbibigay ng sign-in bonus pagpirma pa lang ng recruit na nakalusot sa visa screening. Kung minsan, sa halip na sign-in bonus, ospital ang nagbabayad ng immigration fee sa embassy.
(6) Bahagi ng immigration processing ang pag-sponsor ng nagre-recruit na ospital. Tiyaking meron nito ang recruiter o consultant.
(7) Humingi ng brochure tungkol sa ospital at lugar nito. May mga ospital na nagbibigay ng housing allowance sa ilang unang buwan.
(8) Taunan kung mag-usap ng suweldo sa US. Kadalasang starting pay ay $40,000 a year. Ospital ang magbabayad, hindi recruiter o registry. Ang karaniwang kontrata ay tatlong taon.
(9) Hindi agad binibigyan ng greencard (resident alien o permanent resident status) ang recruit pag tapak sa America. Dapat mag-apply, pero sa tindi ng nurse shortage sa US, puwedeng six months lang na hintay.
(10) Ang hintay naman mula ma-recruit hanggang ma-dispatch sa US ay karaniwang 9-12 months. Masikip ang butas ng karayom.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest