^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Paigtingin pa ang seguridad

-
MULA Davao patungong Manila at iba pang lugar. Ganyan ang pagkalat ng terorismong hatid ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). Ang dugong pinaaagos ng mga terorista sa Davao ay nais nilang paaabutin hanggang sa Metro Manila. Matapos ang pambobombang isinagawa sa Davao International Airport noong March 4, ang karahasan ay nagpapatuloy at hindi kakikitaan ng katiwasayan lalo sa pinangyarihan ng pambobomba. Noong Martes ng gabi, isang bomba ang natagpuan ng mga pulis sa isang pampasaherong dyipni. Umano’y limang lalaki ang sumakay ng dyipni at iniwan ang bomba na nakabalot sa isang plastic. Kung sumabog ang bomba marami na namang buhay ang masasayang katulad nang nangyari sa Davao airport na 21 katao ang namatay at 160 ang nasugatan.

Ilang araw makaraan ang pambobomba sa airport, isang pampasaherong bus ang hinoldap ng may 200 teroristang MILF at dalawang katao ang walang awa nilang pinatay. Isa sa pinatay ay sundalo ng army. Nang makita ang military ID ng sundalo ay binaril ito sa ulo. Ang isa pang biktima ay napag-alamang civilian volunteer. Dalawang pasaherong babae ang inutusan pa umano ng mga MILF na maghubad ng damit.

Kakatwa naman ang pahayag ng MILF sa panghaharang sa bus. Sabi nila, "Pinuprotektahan lamang namin ang mga sibilyan at baka sila maipit sa labanan." Itinanggi ng mga terorista na sila ay nagnakaw sa mga pasahero. Hindi raw nila gawain ang ganoon. Madalas ang tanggi ng mga teroristang MILF. Nang bombahin ang Davao Airport, ganyan din katigas ang kanilang pagtanggi at sa dakong huli sila ang lumalabas na salarin.

Ang sinimulan nilang pagsasabog ng lagim ay ipinagpapatuloy at lalo pa itong tumibay nang madiskubre ng Philippine National Police ang planong paghahasik ng lagim dito sa Metro Manila. Naaresto ng mga pulis ang isang Mariano Lomarda, 42, alyas Ahmad Lomarda. Si Lomarda ay hinihinalang miyermbo ng teroristang MILF. Matagal na umanong nagsasagawa ng surveillance sa mga lugar dito sa Metro Manila

Ang pagkakahuli ng mga pulis kay Ahmad ay magandang puntos sa mga pulis na hindi sila nagkukulang at laging nakahanda sa anumang gawain ng terorista. Nararapat pa nilang paigtingin ang pagbibigay ng seguridad sa mamamayan. Hindi dapat magpatulug-tulog sapagkat baka malusutan ng mga walang kaluluwang mga terorista.

vuukle comment

AHMAD LOMARDA

DAVAO

DAVAO AIRPORT

DAVAO INTERNATIONAL AIRPORT

MARIANO LOMARDA

METRO MANILA

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NANG

NOONG MARTES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with