^

PSN Opinyon

Gutom na ang Noypi ginugutom pa

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
SA Abril siguradong manggagalaiti sa galit ang Sambayanan porke matitikman muli nila ang lupit ng singilan sa kuryente kasi tataas ito nang todo-todo at hindi na kayang kontrolin pa ng gobyerno ni Prez Gloria Macapagal-Arroyo.

Ang balita ng mga kuwago ng ORA MISMO tumaas daw kasi ang krudo sa world market at dumausdos ang sopi kaya kailangang mag-take-off ang presyo dahil kung hindi malulugi ang Meralco.

Wala namang magagawa si Juan dela Cruz kundi ang sumunod sa utos ng Meralco, kung hindi putol ang kuryente mo.

Ganyan kalupit ang Meralco, matindi kung maningil.

Ang pinagtataka ng mga kuwago ng ORA MISMO ay kung bakit balewala sa gobyerno ang ginagawang panggigipit ng kompanyang ito sa mga taong tumatangkilik sa Meralco.

Ano ang nangyari sa billion of pesos nitong siningil ng sobra sa mga consumers? Nabalik ba sa kanila?

Dito lamang ay sobra-sobra na ang tinabo ng Meralco porke lahat ng consumers nito ay hindi nakaporma nang magbayad sa kanilang kinunsumong kuryente kasama ang PPA charges.

Samantala, ang mga nagpalusot ay pinutulan ng kuryente! Tama ba, Sectoral Rep. Crispin Beltran, Your Honor.

Hindi nararamdaman ng people of the Philippines ang singil ng Meralco sa kanila porke ang dami kasing pinangtakip na isyu sa media ang gobyerno.

Masyadong nabigyan ng prominente ang bombahan at bakbakan sa Mindanao kaya nakalimutan ng mamamayan ang binabayad nilang tsapit sa Meralco.

Puwera pa rito, ang isyu sa US-Iraq war!

Simple lang magtakip ng isyu ang pamahalaan basta maiipit ito ay tiyak ng mga kuwago ng ORA MISMO na may sasabog na malaking bagay para pagtakpan ang sinisigaw ng mamamayang Noypi?

"Iyan ang hirap sa gobyerno napapabayaan ang mahihirap at mas nabibigyan ng pabor ang mayayamang kapitalista?" sabi ng kuwagong kamoteng bumabaligtad.

"Baka kasi sila ang tumulong sa pagkakaluklok ni Bulilit at ng ilang kamoteng opisyal ng pamahalaan?"

"Masyado mo naman silang binibira, kasalanan ba ng gobyerno ang tumaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin lalo na ang gasolina?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Siyempre, Sarge! Kung babalikan mo ang kasaysayan ng one little two little three little Indian, tinanggal ang Price Control Council, sinibak ang Energy Regulatory Board, dine-regulate ang Oil Industry Law at sinipa ang Oil Price Stabilization Fund," sagot ng kuwagong Kotong Cop.

"At meron pa! Di ba ibinenta ang Petron?"

"Ngayon, SPO-10, tama ba ako o mali?"

"Korek na korek ka pala kamote, magaling ka talaga sa history! Ngayon naalala ko na! Talagang bugbog-sarado na si Juan dela Cruz."

CRISPIN BELTRAN

CRUZ

ENERGY REGULATORY BOARD

KOTONG COP

MERALCO

NGAYON

OIL INDUSTRY LAW

OIL PRICE STABILIZATION FUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with