Ang mag-uuling
March 13, 2003 | 12:00am
AKO ay lumaki sa minahan ng Benguet na kung saan maraming mag-uuling para sa karagdagang kita. Karaniwang dumarating ang mga taga-bundok na sunong ang mga sanga ng puno. Naghuhukay sila sa lupa at doon sinusunog ang kahoy.
Sa kalakasan ng liyab ay binubuhusan ng lupa para mamatay ang apoy. Paglamig ng lupa ay pinipili ang mga nagawang uling. Handa nang ilagay sa sako para dalhin sa palengke.
Ang ilan ay nagwiwisik ng tubig para mapatay ang apoy at mapabilis ang paggawa ng uling. Pero karamihan ay ayaw gumamit ng tubig dahil pumuputok ang uling at nadudurog. Maraming nasasayang. Isang matanda ang aking napansin na gumagamit ng bagong paraan sa pag-uuling. Lahat ng sanga ng kahoy ay nagagamit kaya ang kita ay nado-doble dahil lahat ng kahoy ay nagiging uling.
Gumagamit ng hurno ang matanda. Ang kahoy ay nakasalansan na patayo at siksik ang sa ilalim ng hurno. Ang pinto ay sinasarahan ng bato at tinatapalan ng putik.
Isang araw o magdamag ang pagsunog. Ang matandang gumagamit ng paraan ay nagpaliwanag, Pag nasusunog na ang kahoy, ang usok ay maitim. Pagkumpleto na ay nagiging puti ang kulay ng usok at bumabango.
Nang binuksan na upang kunin ang laman, ay nakakamangha ang resulta. Lahat ng kahoy ay naging uling. Walang nasayang.
Talagang hanga ako kaya tinanong ko kung sino ang nag-imbento ng paraan. Ikaw ba Tatang ang nag-iimbento?
Hindi. Itinuro sa akin ng isang Hapones na sundalo noong huling giyera, sagot ng matanda.
Sayang. Akala ko may orihinal na imbensyong Pinoy. Hapon pala.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended