EDITORYAL - Kalokohan sa Philpost
March 13, 2003 | 12:00am
SA bibig na mismo ni Philpost General Manager Diomedio Villanueva nanggaling na may mga kalokohang nangyayari sa post office. Sinabi ni Villanueva na may mga nangyayaring anomalya sa Philpost at ito ang kanyang pagtutuunan ng pansin para maimbestigahan.
Karamihan sa mga inirereklamo sa post office ay ang pagkawala ng mga nakadepositong dollar ng mga businessmen sa kanilang mga bank accounts. Pati mga confidential documents, credit card information ay naiintercept umano sa post office. Ang ganitong gawain ay kagagawan umano ng mga sindikato sa post office at tinukoy na pinakatalamak dito ay ang Makati Post Office.
Ang pagkilos ni Villanueva laban sa mga nangyayaring "kalokohan" sa post office ay bunsod ng naisulat sa column ni Max Soliven sa Philippine Star kung saan isang kaibigan niyang negosyante ang nawalan ng thousand of dollars. Ang pera nilang nakadeposito sa banko sa ibang bansa na may ibat ibang currencies ay ninakaw at isinalin sa banko sa ibang bansa. Ganoon man, sinabi ni Villanueva na hindi siya magbibigay ng konklusyon kung tunay ngang may sindikato sa post office.
Pero iisa ang tiyak at nanggaling na mismo sa bibig ni Villanueva na may nangyayaring "kalokohans" sa post office. Marami nang nailathalang reklamo ang Pilipino Star NGAYON sa Dear Editor column sa ibat ibang post office. Ilan sa kanilang reklamo ay ang mataas na singil sa mga ipinadadala nilang bagay sa ibang bansa. Mayroon namang sa kabila nang mataas na singil sa ipinadala ay hindi dumarating sa destination nang nasa tamang panahon.
Ilan din sa mga reklamo ay ang pagsingil sa mga padala galing sa ibang bansa gayong hindi na ito dapat pang singilan sapagkat bayad na. Ang masaklap hindi nagbibigay ng resibo ang post office. Isa sa mga inirereklamo sa ganitong praktis ay ang Novaliches Post Office.
Bukod sa ganyang mga problema, inirereklamo rin ang pagiging walang modo ng mga empleyado at empleyada. Madalas na nambubulyaw sa mga nagpapadala ng kanilang sulat. Sa halip na maituro ang dapat gawin, ay panghihiya pa ang kanilang ibinibigay. Para bang nawala na sa kanilang isipan na ang paglilingkod sa publiko ang dapat pangibabawin.
Maraming "kalokohans" sa Philpost at sana ngay madurog ito ni Villanueva. Marami nang namuno sa Philpost subalit walang nagawa sa mga may "sungay" na opisyal at empleado. Hihintayin namin ang pagkilos ni Villanueva sa mga may "sungay" sa Philpost.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest