Iresponsableng pahayag ng SEC at DTI laban sa kanilang inaakusahan (Part III)
March 12, 2003 | 12:00am
"TAMAAN ang dapat tamaan, balatan ang dapat balatan, pangalanan ang dapat pangalanan. Ngunit responsibilidad ng awtoridad na maging "tumpak" (beyond reasonable doubt) na ang mga inaakusahan ay positibo bilang pseudo-investment firms, o di naman kaya, sangkot sa network marketing scam." ---BST 3/7/03
Hindi trabaho ng kolum na ito na ipagtanggol ang alinmang kompanyang pinangalanan ng Securities and Exchange Commission (SEC) o ng Department of Trade and Industry (DTI) na nauna na nilang inaakusahang sangkot sa illegal pyramiding o network marketing scam.
May sapat na kakayanan ang mga kumpanyang pinangalanan at inakusahan na ipagtanggol ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kani-kanilang abogado.
Maaaring lingid sa kaalaman ng SEC at DTI na ang kanilang naging pahayag sa media ay naging sanhi ng kalituhan sa publiko. At ang masahol dito, hindi nila inisip ang pinsalang naidulot nito sa mga lehitimo, legal, at rehistradong kumpanyang kasalukuyang naapektuhan.
Parehong sumasang-ayon ang matataas na opisyales ng SEC at ang DTI sa aming nakikita. Ngunit magiging malaking kasiraan nga para sa kanila na TUWIRIN ang kanilang pagkakamali.
Pagmasdan ang salitang aking ginamit-TUWIRIN. Hindi ko sinabing BAWIIN. Malaki ang pagkakaiba at nililinaw ko ito, sin-linaw ng sikat ng araw.
Sa aking exclusive TV interview na ginawa namin para sa BITAG kay Atty. Jose Tomas Syquia, director ng SEC, sinabi niyang lalo lang daw maguguluhan ang publiko kapag nilinaw niya sa pamamagitan ng pagtuwid ng kanilang pagkakamali.
Ayon kay Syquia, hindi bale na raw maapektuhan ang "industriya" ng network marketing. Wala naman daw dapat ipangamba ang mga kumpanyang lehitimo, legal at rehistrado. Katwiran niya, mas mahalaga ang kapakanan ng publiko na si Juan dela Cruz.
Malinaw na alam ni Syquia ang "pinsala" sa mga lehitimong kompanyang walang kinalaman na naging biktima ng kanilang iresponsableng pahayag sa media.
Ang masahol dito ay ginamit ni Syquia na "outlet of information dissemination" ang mga foreign posts (embassies) natin sa mga bansang pinagtatrabahuhan ng mga overseas Filipino worker (OFW) natin. Walang masama sa paggamit ng ating mga embahada at consulates para sa kapakanan ng mga OFWs natin. Ang kaso, kuwestiyunable ang "nilalaman" ng babala ng DTI at SEC.
Ang mga kumpanyang pinangalanan ng SEC at DTI na kanilang ipinasa sa Department of Foreign Affairs (DFA) para sa mga embassies natin ay tinawag nilang mga pseudo-investment companies at mga kumpanyang nasa likod ng network marketing scams.
Makikita sa video ng BITAG ang mariing pagtanggi ni Syquia sa bagay na ito. Sinisi niya ang media. Hirit ni Syquia, "Ben, maybe, thats why we need people like you in media to help out. Help us."
Susmaryosep, Atty. Syquia, hindi ka ba kinikilabutan? Basura mo, ang paglilinisin mo ako? At kami sa media? Buka ka nang buka ng bibig, hindi mo muna iniisip ang iyong mga sinasabi.
Ito, malinaw na kapalpakan. Hulog ka sa BITAG. Ang problema, hindi kami ipinanganak kahapon. Nasa pangangalaga ko ang mga dokumento at mga video footages ng mga programa sa ibang network kung saan malinaw ang iyong pinagsasabi at iisa lang ang iyong "pamamaraan" na tinatawag kong pattern. Hangga't hindi mo nakikita ang iyong kamalian, mangyayari at mangya-yari muli ang mga kapalpakang ito.
Abangan, sa susunod ang mga kumpanyang pinangalanan at inimbestigahan ng BITAG.
Para sa mga tips, reklamo't sumbong, tumawag o magtext sa mga numerong ito: (0918)9346417 at telepono 9325310/9328919.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended