^

PSN Opinyon

Hindi lahat ng may TB ay kakakitaan ng sintomas

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
( Huling Bahagi )
SA unang bahagi ng aking kolum, tinalakay ko na ang kakulangan ng vitamin B12 sa katawan ay malaki ang kaugnayan sa pagkakaroon ng tuberculosis. Kung ganoon nararapat lamang na mga pagkaing sagana sa vitamin B12 ang kainin.

Ano ba ang mga pagkaing mayaman sa vitamin B12?

Ang itlog, isda at dairy foods ay mga pagkaing sagana sa vitamin 12. Ang pagkain ng mga nabanggit ay malaki ang maitutulong sa katawan para malabanan ang pananalasa ng TB. Bukod sa itlog, isda at dairy foods, mayaman din sa vitamin B12 ang karne, mga pagkaing butil, sariwang gulay at prutas. Ang mga nutrients na taglay ng mga pagkaing nabanggit ay sapat na para maprotektahan ang katawan sa mapanalasang tuberculosis.

Madaling kumalat ang TB. Sa pamamagitan ng pag-ubo at pagbahin ay madali nang kakalat ang mycobacterium tuberculosis. Ang mga taong may TB ay kakikitaan ng mga sintomas na sumusunod: panghihina, madaling mapagod, kawalan ng ganang kumain at hindi maipaliwanag na pagkahulog ng timbang. Subalit hindi lahat ng infected ng TB ay kakikitaan ng sintomas. Maaaring may TB sila subalit hindi nakikita ang sintomas.

Magagamot ang TB sa pamamagitan ng pag-inom ng antibiotic araw-araw sa loob ng siyam na buwan. Kinakailangan ang pamamahinga. Nararapat na pabakunahan ang mga bata upang maprotektahan sila sa sakit.

ANO

BUKOD

HULING BAHAGI

KINAKAILANGAN

MAAARING

MADALING

MAGAGAMOT

NARARAPAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with