ASG, MILF o militar? sino nga ba?
March 8, 2003 | 12:00am
INAMIN ng bandidong grupo ng Abu Sayyaf sa katauhan ni Harsiraji Sali na sila ang may kagagawan sa pambobomba sa Davao Airport noong Martes na pumatay sa 21 civilian at ikinasugat ng 160 iba pa. Humingi pa nga si Sali ng paumanhin sa mga naulila ng nabiktima.
Nasorpresa ang pamunuan ng Davao City sa pangunguna ni Mayor Rudy Duterte sa nangyaring trahedya kasi hindi nila akalain sa kanilang probinsiya magaganap ang barbaric act.
Binatikos ng mga opisyal ng gobyerno ang ginawang pagpapasabog sa airport. Pero ang pinagtatakhan ng bayan bakit pilit pa ring itinutulak ng militar ang MILF ang may kagagawan nito kahit na aminado ang bandidong grupo ng Abu Sayad este mali Sayyaf pala na sila ang tumira.
C-4, daw ang ginamit na bomba kaya ang militar naman ang inginungusong may kagagawan ng pagpapasabog dahil sila lamang umano ang may ganitong klase ng bomba? Totoo ba ito Defense Secretary Angelo Reyes, Your Honor?
Kaya bang isakripisyo ng militar ang buhay ng inosenteng civilian? Ano sa palagay ninyo? AFP bossing Dionisio Santiago, Sir.
Sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO ay may kanya-kanyang pananaw ang mga taong may kinalaman sa pagpatay ng mga civilian at ito ang hindi natin maintindihan.
Bakit hindi lamang militar, pulis at mga kaaway nito ang siyang magpatayan at dinadamay pa ang mga taong walang kinalaman sa kanilang pinaglalaban.
Dapat sigurong pag-usapan ng militar at mga kalaban nito na lumabas na lamang sila sa kanilang mga lungga at sa isang lugar na lamang sila magpatayan para matira ang matibay. Para magkaalaman na kung sino ang tatanghaling bida hindi na iyong nagdadamay pa kayo ng mga inosenteng civilian.
Siguro mas maganda kung magkikita na lamang sila sa isang lugar para magshowdown at matira ang matibay, anang kuwagong urot.
Oo nga para matapos na ang problema nila, anang kuwagong sepulturero.
Mas maganda kung face to face ang laban, sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Ang mahirap ngayon ay turuan nang turuan. Nalilito si Juan dela Cruz sa sistema. Hindi malaman kung sino ang tatanghaling kampeon.
Ano ang dapat gawin?
Ang makakabuti, sa isang lugar na lamang sila mag-showdown para sila sila na lamang ang mamatay!
Korek ka diyan kamote.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended