Mga staff ni Sec. Braganza, mga bagito at walang binatbat

ALAM n’yo bang kinukuwestiyon ngayon ang mga staff ni Press Secretary Hernani Braganza sapagkat ang mga ito ay bagito at wala umanong binatbat?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Sen. Robert Barbers, Danilo de Chavez, Niccolo Fua, Georgina Nava at Ma. Cristina Sison ng BPI Bank, Alabang, Muntinlupa City.
* * *
Alam n’yo bang kinukuwestiyon ngayon ang qualification ng mga staff ni Press Secretary Hernani Braganza dahil ang mga ito ay mga bagito at walang binatbat?

Ayon sa aking bubuwit, sayang lang ang pinasasahod sa kanila kung hindi naman sila pinapakinabangan.

’Yung dapat nilang trabaho ay ipinapagawa pa sa mga dating staff sa dinatnan nilang departamento.

Kung wala pala silang pakinabang Madam President GMA, dapat siguro ay sibakin na ang mga staff ni Mr. Secretary.

Mahiya naman sila. Ano ba naman kasi itong mga pinagkukuha mong staff Secretary?

Mga jologs?
* * *
Ayon sa aking bubuwit, mula nang mawala sa tanggapan ni Braganza ang mga dati niyang staff na veteran lawyers ay puro amateurs na ang mga naiwan sa kanya.

Sorry na lang sina Attys. Efren Moncupa, Virgilio delos Reyes, Rookie Garcia at Facundo Palafox.

At welcome naman sa kanyang kabarkadang si Undersecretary Rocky Nazareno.

Welcome nga ba ang tropa nila sa Malacañang?

Kasama nga rin ba si Mr. Ruben Manahan? Siya umano ang ipapalit kay Press Usec. Bobby Capco kapag tuluyan siyang alisin?

Ayon pa sa aking bubuwit, ang isa pang problema sa departamento ni Braganza ay ang away ng kanyang mga tauhan.

Paano naman kasi, dala-dalawa pa ang kanyang opisina. Meron na siyang tanggapan sa Arlegui Guest House, meron pa sa New Executive Building na lalong kilala sa tawag na Borloloy.

Dito yata dinaig ni Braganza si Sec. Bobby Tiglao? Nakuha mo nga ang opisina ni Marcos, dala-dalawa naman ang kanyang opisina.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang isa pang problema ngayon ni Braganza ay ang matinding away ng kanyang mga tauhan.

Magkagalit ang mga staff niya sa Arlegui Guest House at sa Borloloy. At dahil nag-aaway ang mga tauhan niya, nagkakagulo ngayon ang kanyang opisina. Kaya pala parang non-existent ang Office of the Press Secretary.

Mabuti na lamang at nandiyan si Presidential Spokesman Ignacio "Toting" Bunye. Kung wala pa si Toting diyan eh baka nagka-hetot-hetot na ang information dissemination sa Malacañang.

Ayon sa aking bubuwit, ang head ng Arlegui House ay isang "Chichi" na masyadong bossy.

Ang ipinagmamalaki naman niya ay ang 20 years experience nito sa Presidential Management Staff, House of Representatives at Department of Agrarian Reform.

At ang kalaban nitong grupo ay ang grupo ng mga amateur sa Borloloy. Ang head naman dito ay isang "Ella". Misis ng isang ISAFP officer.

Ito naman ang grupo raw ng secret committee ni Braganza na tinaguriang New Analysts.

Kahit sila ay "secretariat" lamang, sila naman ang nagdidikta kung ano ang gagawin ng mga undersecretaries at assistant secretaries.

Hanep, ang titindi n’yo naman!

Show comments