^

PSN Opinyon

Junior officers ng PNP made-demoralize sa extension ni Dep. Dir. Gen. Fernandez

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
SABIHIN nating wrong signal ang ipinararating ni President Arroyo sa sambayanan kapag natuloy itong balak niyang i-extend ng anim na buwan pa ang termino ni Dep. Dir. Gen. Clyde Fernandez, ang deputy chief for administration (DCA) ng Philippine National Police (PNP). Nagbabala ang mga junior officers ng PNP na ang extension na igagawad ng Malacañang kay Fernandez ay magiging sanhi ng malawakang demoralisasyon sa kanilang hanay at mapurnada na naman ang kanilang promotion, pati na ang kampanya ng pulisya laban sa street crimes. Eh sino pa ang gustong magtrabaho kung ang kapakanan lang ng iilan ang inuuna ng administrasyon ni GMA? Tanong nila. Si Fernandez ay dapat magretiro na sa Abril 1. At dahil sa kanyang pagretiro, isang malawakang reshuffle ang mangyayari at marami nga ang magagalaw o mapo-promote at kabilang sa makikinabang ay ang mga junior officers. Sigurado akong kapag may demoralisasyon sa hanay ng PNP mananagasa na naman sa kalye ang mga kriminal. He-he-he! Kahit anong sabon pa ang gagawin ni GMA, magiging manhid ang ating pulisyang magtrabaho dahil na rin sa mga maling desisyon niya.

Si Fernandez na miyembro ng PMA Class ’70 ay kaklase ni PNP chief Dir. Gen. Hermogenes Ebdane Jr. Bilang DC nga, si Fernandez ang naglalagay ng mga sensitibong puwesto ng PNP at pati na rin sa pagdikta ng promosyon nila. Ang tanong lang, wala na bang may kakayahan na gampanan ang trabaho niya? May punto ang mga junior officers dito, di ba mga suki?

Kung analisahin mo kasing maigi, itong puwesto ni Fernandez ay maari nating sabihin na springboard ng ilang mga opisyal ng pulisya para maging PNP chief nga. Naging DCA muna si Ebdane bago siya nahirang na kanyang puwesto sa ngayon. Pero kapag natuloy ang pagretiro ni Fernandez, tatlong magigiting na opisyal ang nakalinya para pumalit sa kanya. Sila ay sina Dep. Dir. Gen’s. Edgar Aglipay, Reynaldo Velasco at Virtus Gil, lahat miyembro ng PMA Class ’71. He-he-he! Lulutang-lutang sa hangin ang kanilang tsansa habang bitin pa ang extension isyu, di ba mga suki?

Ang tingin naman ng ilang junior officers baka pinalutang lang itong isyu ukol sa extension ni Fernandez para pulsuhan ng taga-Malacañang ang reaction ng PNP ukol dito? Kasi nga ang tunay na isyu dito ay ang pagretiro naman ni Chief Supt. Reynaldo Berroya, nitong darating na Marso 11. Sa tingin ng mga junior officers, kapag hindi pumalag ang PNP sa extension ni Fernandez maaring isubo na rin nila ang apat na taong extension ni Berroya, Ano ba ’yan? Puwede ba magretiro na kayo mga Sirs para manahimik na itong PNP natin?

Kung sabagay ang iginigiit ni Berroya ay itong batas na nagpalawig naman ng termino ni Col. Victor Corpuz ang hepe ng ISAFP. Si Corpuz ay pumasok sa NPA at bumalik sa military noong panahon ni dating Pres. Aquino. Si Berroya naman ay nakulong sa kidnapping kay Jack Chou at nakabalik sa serbisyo sa panahon naman ni Pres. Ramos. Kung ako ang tatanungin, gusto kong i-extend ni GMA itong sina Fernandez at Berroya. Puwede kasi silang gawing dahilan o whipping boy kapag pumalpak ang PNP natin.

BERROYA

CHIEF SUPT

CLYDE FERNANDEZ

EDGAR AGLIPAY

FERNANDEZ

HERMOGENES EBDANE JR. BILANG

JACK CHOU

PNP

SI FERNANDEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with