^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Investor na pulis sa 'pyramid' imbestigahan

-
MADALING bumagsak sa kamay ng mga awtoridad si Maria Teresa Santos, ang tinaguriang "pyramid" queen na nag-swindle sa may 12,000 miyembro na karamihan ay mga pulis. Tinatayang nasa P5-bilyon ang na-swindle ng MTST Trading Inc. na pag-aari ni Santos. Nang mahuli si Santos, sinabi niyang "intact" pa rin ang pera at iyon ay isasauli niya sa mga miyembro. Nadakip si Santos sa Quezon City ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG). Mismong ang nakadakip sa kanyang pulis ay isa sa mga biktima niya sa "pyramid" business.

Kung ang mga miyembro ni Santos sa kanyang "pyramid" business ay karaniwang mamamayan lang at walang pulis o military, tiyak na matagal siya bago mahuli o baka hindi na siya mahuli pa. Iyan ang isang naging maganda sa itinayo niyang negosyo, mga pulis ang miyembro at ang mga pulis na iyon din ang humuli sa kanya. Bukod kay Santos, nauna nang nadakip ang kanyang asawa, anak, pamangkin, at pinsan. Nadakip na siya noong Dec. 23, 2002 subalit nakalaya nang magpiyansa.

Tiyak na mahihirapan nang makawala sa sapot ng batas si Santos. Kahit na sinabi pa niyang "intact" ang P5-bilyon, kakasuhan pa rin siya at malamang ay sa bilangguan na ang tuloy niya.

Hindi natatapos diyan ang tungkol sa "pyramid" scam ni Santos. Isang dapat pang maimbestigahan ay ang malalaking investment ng mga pulis sa kanyang MTST na naging dahilan para ito umunlad. Inamin naman ni Santos, na nang itinayo niya ang MTST ay P25,000 lamang ang kanyang capital. Nagpapautang lamang o iyong tinatawag na "5-6". Pero nang may mga sumosyo na karamihan nga ay mga miyembro ng PNP, parang hinipang lobo. Ilang mataas na opisyal ng PNP ang umano’y nag-invest ng kanilang milyones. Hanggang sa kumalat nang kumalat sa buong kapulisan ang tungkol sa "pyramid" na ang interes na ibinabalik bawat buwan ay 20 percent. Malakas ang kita. Paldo sa unang mga buwan ang miyembro pero dumating din ang wakas.

Pumasok na ang Malacañang sa isyu ng "pyramid" at ipinag-utos na ang "lifestyle check" sa mga miyembro ng PNP at AFP. Hahalukayin kung saan kinuha ng mga pulis at sundalo ang kanilang ininvest na pera sa "pyramid" gayong isa sila sa mga pinaka-mababang suweldo sa mga government employees. Nababahala ang Malacañang sa nabulgar na lokohan sa "pyramid" ng MTST. Ganoon man, ang lifestyle check na ipag-uutos ay hindi dahil sa sumabog na isyu sa pyramid kundi bahagi na ito ng pinag-utos pa ng Presidente noong nakaraang taon.

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

MALACA

MARIA TERESA SANTOS

MIYEMBRO

NADAKIP

NANG

PYRAMID

SANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with