Binigyan ni GMA ng deadline ang task force para masupil ang mga lintang pulis sa Kamaynilaan. Talamak ang operasyon ng mga kotong cops. Malimit na binibiktima nila ay mga driver ng dyip, bus, FX at mga taksi at pati na mga motorista. Dumidelihensiya rin sila sa mga gambling operators at maging sa mga side walk vendors. Noong unay tagung-tago at disimulado ang kotongan pero ngayon ay hayagan na at hindi nahihiya ang mga buwayang pulis.
Bagamat hindi lahat ng pulis ay nangongotong, nadadamay din iyong mga tapat o mabubuti. Malaking batik sa kapulisan ang mga kotong cops kaya sinabi ni GMA na kapag mahuli sila ay hindi patatawarin.
Hindi lamang sususpendihin kundi tuluyan nang tatanggalin at kakasuhan. Binigyan-diin ni GMA na ang batas ay batas at no one is above the law. Sa pangyayaring ito muling kakailanganin ang political will laban sa mga kotong cops.