^

PSN Opinyon

Pagkain ng karne at isda mabisang panlaban sa TB

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
(Una sa dalawang bahagi)
KAMAKAILAN lamang ay nalathala sa mga pahayagan na marami pa ring Pilipino ang may sakit na tuberculosis (TB). Kahit na moderno na mga gamot at marami nang mahuhusay na doktor, patuloy pa rin ang pananalasa ng Mycobacterium tuberculosis.

Ang dating President Manuel L. Quezon ay isa lamang sa mga Pilipinong nabiktima ng TB. Taong 1944 nang mamatay si Quezon sa Saranak Lake, New York. Noon ay nasa kamay pa ng mga Hapones ang Pilipinas. Panahon ng World War II. Dahil sa pangyayaring iyon, ang sakit na TB ay naging prayoridad sa pamahalaan para sugpuin at nang hindi na maapektuhan pa ang mamamayan. Itinatag ang Quezon Institute (QI), isang special na ospital para sa mga may sakit na TB. Nasa isang malawak na lupain sa Quezon City ang QI.

Bagamat matagal na ang pangyayari na nabiktima ng sakit ang Presidente, nakapagtatakang nananalasa pa rin ang TB sa kasalukuyan. Isang maliwanag na katotohan na hindi pa rin ligtas ang mga Pinoy.

Walang pinipili ang sakit na ito sapagkat kahit na mayaman o mahirap ay apektado. Ang TB ay karaniwang nananalasa sa mga developing countries.

Ang pagkain ng mga masusustansiyang pagkain ay may malaking bahagi para malabanan ang TB. Alam n’yo bang ang pagkain ng karne at isda ay malaki ang papel para maiwasan ang pagkakasakit ng TB? Sa isang pag-aaral na isinagawa kamakailan sa mga Asian immigrants sa South London, lumabas na ang mga vegetarians at hindi kumakain ng isda o karne at walang gatas o dairy products ay walong ulit na maaaring magkaroon ng TB kaysa sa ibang Asian na kumakain ng karne o dairy products araw-araw.

Ang kakulangan ng katawan sa vitamin B 12 (karaniwang nakukuha sa mga karne o tinatawag na fortified foods) ay dinadagdagan ang panganib sa pagkakaroon ng TB. Ang mga taong may pernicious anemia (walang kakayahang mag-absorb ng Vitamin B 12 ay madaling dapuan ng sakit. (Itutuloy)

vuukle comment

NEW YORK

PRESIDENT MANUEL L

QUEZON

QUEZON CITY

QUEZON INSTITUTE

SARANAK LAKE

SOUTH LONDON

VITAMIN B

WORLD WAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with