^

PSN Opinyon

Kasagutan ng OIC ng Correctional Inst. For Women

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
‘‘Tungkol naman sa kaso ni Apple Paragas, siya ay hindi ko sinaktan o hinambalos, taliwas sa iyong isinulat. Ang kanyang galos na natamo ay noong magkaroon ng kaguluhan sa may inner gate na kung saan siya at mga kasamahan niya ay nagkaroon ng tulakan sa nasabing lugar.

Sa sinumpaang salaysay ni Zariatu A. Amidu, isang inmate na may bilang C93P-149, noong Nobyembre 21, 2002, ay sinabi niya na "That my assailants were inmates Bella Negrosa, C95P-003; Ana May Alejandro, C99P-096; Apolonia "Apple" Paragas, C99P-187; Marietta delos Reyes, C89P-065; Cecilia Estoesta, C2000P-095; and Madelyn Laureles, C201P-071, were the same people who blocked the way and made physical harm on the different parts of my body.

The records and pictures of this case speaks for themselves. "Balita namin si Paragas, inalok nyo pa raw ng maagang paglaya ng 10 buwan nitong Disyembre" tahasan kong sasabihin, walang karapatan o kapangyarihan ang Officer-in-Charge na ialok ang paglaya ninuman dito sa Correctional Institution for Women. Tanging ang hukuman lamang at ang Pangulo ng Republika ng Pilipinas ang may ganoong kapangyarihan. Baka naman ibang Officer-in-Charge ang kanyang tinutukoy.

Mr. Tulfo, please stick to the issue or the subject matter at hand. Huwag mo nang idamay pa ang pangalan ni Presidential Spokesperson Ignacio Bunye na wala namang koneksyon o kinalaman dito.

Bago ko makalimutan, si Atty. Emerico D. Buenaseda, Direktor ng Komisyon ng Karapatang Pantao, ay hindi ko nagging kaklase. Siguro, ipauubaya ko na lang sa kaniya kung anuman ang kaniyang posisyon doon sa mga paratang na nailathala sa iyong kolum. He is in the better position to answer the accusations you made in your paper.

Mr. Ben Tulfo, sana po bago mailathala ang anumang bagay tungkol sa ibang tao o opisina, mangyari lamang na beripikahin mo muna o saliksikin ang tungkol dito, upang magkaroon ng patas at maayos na pamamahayag.’’ Leonila B. Reyes Officer-In-Charge
* * *
Ipinakikita ng kolum na ito na umiiral sa amin ang salitang PATAS at PAREHAS na laro. Walang labis, walang kulang, inilathala namin ang kasagutan ni Leonila B. Reyes, Officer-In-Charge ng Correctional Institution for Women. Unang naisulat sa kolum ng BITAG sa PM (diyaryong kapatid ng Pilipino Star NGAYON). Hindi na namin palalawakin pa ang issue dahil nasabi na namin ang lahat at kaniyang sinagot sa liham na inyong nabasa.

Hindi rin namin babawiin ang aming isinulat dahil mayroon kaming source na lumapit sa amin at responsibilidad namin na pangalagaan ang kaniyang pagkakakilanlan. Hindi rin estilo ng kolum na ito na ilantad ang aming source. Alam ng hukuman ang responsibilidad na ito na pangalagaan ang aming source.

Ang mahalaga, magkabilang-panig ang binigyan namin ng pagkakataon at espasyo sa kolum na ito.
* * *
Para sa mga tips, reklamo’t sumbong, tumawag o magtext sa mga numerong ito: (0918)9346417 at telepono 9325310/9328919. Magbasa ng diyaryong PM (Pang-Masa) tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. Makinig sa DZME 1530 kHZ, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. Panoorin ang "BITAG" tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon, ABC-5.

E-mail us:
[email protected]

ANA MAY ALEJANDRO

APPLE PARAGAS

BELLA NEGROSA

CECILIA ESTOESTA

CORRECTIONAL INSTITUTION

EMERICO D

KARAPATANG PANTAO

LEONILA B

MADELYN LAURELES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with