Saddam mamamatay
February 28, 2003 | 12:00am
NAGBABALAK pa lang si George W. Bush na lusubin ang Iraq, milyon-milyon na ang nagra-rally sa buong mundo laban sa kanya. Si Saddam Hussein, binansagang Butcher of Baghdad dahil libu-libo na ang pinatay na kapwa-Iraqi, pero ni walang aksiyon ang United Nations.
Walang pruweba ang UN inspectors na may nuclear weapons si Saddam. Pero tiyak silang meron itong chemical at biological weapons. Umamin si Saddam noong 1991 na namili siya ng mustard gas, tabun at sarin sa Europe at America. Ginamit itong pamatay sa 60,000 sundalo at sibilyang Iranian nung giyerang 1980-88. Tone-tonelada ang natira, pero konti lang ang natagpuan at sinira ng inspector bago sila patalsikin ni Saddam nung 1998.
Ginagamit ngayon ni Saddam ang nerve gas pamatay sa Iraqi dissidents. Pinasasabugan niya sila ng mustard gas sa refugee camps. Unang ginamit ang mustard gas nung World War I. Sa tindi ng ramdam ng pagsakal sa mga nakasinghot, hinihiwa nila ang sariling lalamunan para lang makahinga.
Gumagamit din si Saddam ng germs ng anthrax, botulinum, ricin, aflatoxin, gas gangrene at wheat smut na pamatay ng tao, hayop at tanim. Ilang araw o linggo lang, todas na ang hinawahan.
Pinakukulong, tinu-torture at pinapatay ni Saddam ang sinumang sumuway sa utos niya maging bata o matanda, babae o may sakit. Minsan nagbiro ang isang Grade 1 pupil at sinulat sa blackboard na kabayo si Saddam. Dinala siya sa torture chamber at sinabit sa kisame hanggang mamatay.
Teenager pa lang si Saddam nang unang pumatay. Aplikante siya sa Baathist party at test mission niya na sumali sa assassination ng prime minister nung 1959. Tagumpay sila, at naging hepe siya ng assassination cell nila. Nang iluklok niya ang sarili bilang supreme leader, hati ang central Revolutionary Council ng party. Sa harap ng kamera, pinapatay niya sa sampung kakampi ang sampung kontra.
Pati dalawang manugang na lalaki, pinapatay ni Saddam. At para hindi maghiganti ang sariling apo, pinapatay din niya ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended