Sumagot sa tin si TESDA Chief Dante Liban porke siya ang una nating sinisi. Iyan raw mismo ang nais niyang iwasto kaya binubuwag ang sindikatong utak sa katiwalian sa pamamagitan ng pagpapatupad ng "reporma." Inuupakan siya ng mga ayaw sa reporma. Umaayaw porke mawawalan ng delihensya. Pinalalabas na siya ang nakikinabang sa malaking racket sa TESDA. Na ang TESDA ay nagsisilbing "gatasan" o "minahan" ni Liban.
Katunayan, ani Liban, gusto niyang alisin ang hurisdiksyon ng TESDA sa OPA. Dati, ang pagsasanay, pagsusulit at accreditation ng mga OPA ay nasa poder ng National Manpower and Youth Council (NMYC). Nang itoy mabuwag, ang gawain ay naisalin sa TESDA.
Nang maupo si Liban, kaisa niya ang board ng TESDA na hindi dapat masaklaw ng ahensya ang hurisdiksyon sa OPAs. Oo nga naman. Ang pag-arte, pagsasayaw at pagkanta ay sining. Hindi isang technical skill. Gusto raw ni Liban na ang hurisdiksyong itoy ilipat na mismo sa entertainment industry. Ito nga naman ang mas kuwalipikadong mag-assess sa kakayahan ng artista at magbigay ng akreditasyon.
Lumikha si Liban ng isang panel na binubuo ng mga kinatawan mula sa entertaiment industry. Itoy sa layuning buuin ang mga patakaran sa paglilipat ng hurisdiksyon ng TESDA sa industriya. Pati ang mga grupong kritikal kay Liban tulad ng Philippine Association of Recruitment Agencies Deploying Artists ay inimbitahan sa panel. Gusto ni Liban na simula sa papasok na buwan ng Marso, maisalin na sa entertainment industry ang kapamahalaan ng TESDA sa mga OPAs.
Kaya habang dinudurog ni Liban ang sindikatong nagkakamal ng salapi sa deployment ng mga artista lalo na sa Japan, pinalilitaw ng kanyang mga kalaban na siya mismo ang "sindikato." Hindi tayo humuhusga na si Liban ang nasa tama. Pero kung titingnan at susuriin ang mga sirkumstansya, makikita natin kung sino ang kontrabida sa labang ito.