^

PSN Opinyon

Dapat ayusin ang depekto ng TESDA

- Al G. Pedroche -
NAPITIK natin minsan ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), tungkol sa pagbibigay ng accreditation sa mga overseas performing artists (OPA) kahit walang talento kapalit ng "tamang halaga."

Sumagot sa ’tin si TESDA Chief Dante Liban porke siya ang una nating sinisi. Iyan raw mismo ang nais niyang iwasto kaya binubuwag ang sindikatong utak sa katiwalian sa pamamagitan ng pagpapatupad ng "reporma." Inuupakan siya ng mga ayaw sa reporma. Umaayaw porke mawawalan ng delihensya. Pinalalabas na siya ang nakikinabang sa malaking racket sa TESDA. Na ang TESDA ay nagsisilbing "gatasan" o "minahan" ni Liban.

Katunayan, ani Liban, gusto niyang alisin ang hurisdiksyon ng TESDA sa OPA. Dati, ang pagsasanay, pagsusulit at accreditation ng mga OPA ay nasa poder ng National Manpower and Youth Council (NMYC). Nang ito’y mabuwag, ang gawain ay naisalin sa TESDA.

Nang maupo si Liban, kaisa niya ang board ng TESDA na hindi dapat masaklaw ng ahensya ang hurisdiksyon sa OPAs. Oo nga naman. Ang pag-arte, pagsasayaw at pagkanta ay sining. Hindi isang technical skill. Gusto raw ni Liban na ang hurisdiksyong ito’y ilipat na mismo sa entertainment industry. Ito nga naman ang mas kuwalipikadong mag-assess sa kakayahan ng artista at magbigay ng akreditasyon.

Lumikha si Liban ng isang panel na binubuo ng mga kinatawan mula sa entertaiment industry. Ito’y sa layuning buuin ang mga patakaran sa paglilipat ng hurisdiksyon ng TESDA sa industriya. Pati ang mga grupong kritikal kay Liban tulad ng Philippine Association of Recruitment Agencies Deploying Artists ay inimbitahan sa panel. Gusto ni Liban na simula sa papasok na buwan ng Marso, maisalin na sa entertainment industry ang kapamahalaan ng TESDA sa mga OPAs.

Kaya habang dinudurog ni Liban ang sindikatong nagkakamal ng salapi sa deployment ng mga artista lalo na sa Japan, pinalilitaw ng kanyang mga kalaban na siya mismo ang "sindikato." Hindi tayo humuhusga na si Liban ang nasa tama. Pero kung titingnan at susuriin ang mga sirkumstansya, makikita natin kung sino ang kontrabida sa labang ito.

CHIEF DANTE LIBAN

LIBAN

NANG

NATIONAL MANPOWER AND YOUTH COUNCIL

PHILIPPINE ASSOCIATION OF RECRUITMENT AGENCIES DEPLOYING ARTISTS

TECHNICAL EDUCATION AND SKILLS DEVELOPMENT AUTHORITY

TESDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with