Mga pakialamerong pulitiko at hindi PNP ang dapat sabunin ni GMA
February 26, 2003 | 12:00am
NAGING paboritong whipping boy itong pulisya natin kapag sumemplang ang peace and order sa ating bansa pero kung uurirating mabuti hindi sila ang dapat sabunin ni President Arroyo kundi ang mga pakialamerong pulitiko at mga taong nasa paligid niya. Kasi nga, dahil sa padrino system ang mga nakaupong hepe ng mga distrito at ibat ibang unit ng PNP ay hindi angkop sa puwesto nila samantalang ang mga kuwalipikado at magagaling ay nasa floating status o dili kayay sa kangkungan kung saan walang pagkakakitaan. Shes barking up on a wrong tree, yan ang puna ng maraming pulis na nakausap natin ukol sa pagsabon ni GMA sa pulisya natin noong nakaraang linggo.
Unahin natin ang NCRPO mga suki. Maging si Ebdane mismo ay nagbiro kamakailan ng tawagin niya ang mga district directors ng kanilang alyas na lumabas na kani-kanilang mga padrino. Binati ni Ebdane ang mga district directors na sina Chief Supt. Rolando de Venecia Sacramento ng EPD; Chief Supt. Pedro Arroyo Bulaong ng WPD; Sr. Supt. Napoleon Manalo Castro ng CPD at Sr. Supt. Marcelino Velasco Franco ng NDP. He-he-he!! Bagyo talaga ang mga padrino nila no mga suki? Wala roon si Chief Supt. Sonny Gutierrez ng SPD kayat hindi naibulgar ni Ebdane ang kanyang padrino. Ang tanong lang ng sambayanan, ginagampanan ba nila ang kani-kanilang mga trabaho?
Sa lugar ni De Venecia ang hindi malutas-lutas na kaso ay ang pagpaslang sa premyadong actress na si Nida Blanca; sa SPD ni Gutierrez naman ang Baron Cervantes, John Campos at Llamas slayings; sa CPD ni Manalo ang kaso nina Popoy Lagman at Romulo Kintanar at sa pagkasangkot naman ng Manila police sa sunud-sunod na kidnapping, robbery-extortion, "shakedowns sa Chinatown at iba pa sa WPD. Sa totoo lang, si Franco lang ang may accomplishments lalo na sa droga at kidnapping-for-ransom, di ba mga suki? He-he-he! Libreng plug to ah. Baka maakusahan ako ng favoritism dito?
Matatandaan din na sina Chief Supts. Rowland Albano at Art Lomibao ay may order na para maging hepe ng Region 4 at CIDG noong nakaraang re-shuffle pero saan ba sila dinampot? Eh di sa kangkungan! Sa pagkaalam ko si Albano sa gabi pa lang ay may bitbit ng order na pinirmahan ni GMA pero kinabukasan na snowpake ang kanyang pangalan. Si Lomibao naman ay pinanatili sa Region 1 sa araw ng turn-over niya sa CIDG. Ang balita ng mga pulis na naka-usap ko may cash-usapan na nangyari kayat hindi natuloy ang pag-upo nina Albano at Lomibao sa kanilang bagong trono. Ayon pa sa mga pulis, ang mamang mataba at ganid sa pera na malapit kay GMA ang siyang nakinabang. Sino siya? He-he-he! Hindi ko kayang hulaan at baka ako naman ang sumemplang. Noon pang Enero ay nagpahayag na ng reshuffle si Ebdane pero hindi niya maisasagawa hanggang ngayon. Bakittt? Dahil sa padrino system.
Sigurado akong pinuputakti na naman siya ng mga pulitiko at yaong malalapit kay GMA para iupo ang kani-kanilang mga manok. Kapag pinagbigyan uli sila, maging whipping boy na namang muli ang PNP natin kahit ang magaling pang si Ebdane o sinong Herodes pa ang uupo diyan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest