Kaso ng isang palaisdaan
February 25, 2003 | 12:00am
KASO ito ng palaisdaan sa Dagupan City na may sukat na 8,200 square meters kilala bilang lot 2991, at may TCT 10945. Pag-aari ito ng magkakapatid na Mar, Carl, June, Angel at Demetria. Noong Hunyo 4, 1967, ipinagbili nina Mar at Demetria ang 1094.54 ng kanilang parte sa komunidad sa mag-asawang Jaime at Cleofe.
Noong Nobyembre 14, 1969, nagsagawa ang magkakapatid ng Kasulatan ng Partisyon ng dalawang palaisdaan ng kanilang komunidad: Ang lot 2991 na may TCT 10945 at lot 2924 na may TCT 10944. Kinilala sa nasabing kasulatan ang pagbibili ng nasabing parte ng lot 2991 na may sukat na 1094.54 square meters sa mag-asawang Jaime at Cleofe. Kaya ang nabentang bahagi ay hindi na isinama sa partisyon. Batay din sa ginawang kasulatan, naipalit ni Angel ang kanyang parte sa lot 2924 na may TCT 10944 para sa buong lot 2991 na may TCT 10945 maliban sa bahaging nabili ng mag-asawang Jaime at Cleofe. Kaya, sina Angel, Jaime at Cleofe ang naging co-owners ng lot 2991 at ito ay narehistro bilang TCT 24440 sa kanilang pangalan.
Mula nang mabili ng mag-asawang Jaime at Cleofe ang 1094.54 square meter at naging co-owners nito, nagbayad na sila ng buwis nito kahit na ang pamumusesyon ay nasa kamay ni Angel. Hiniling nila kay Angel ang partisyon ng lote pati na ang kita rito subalit tumanggi ito hanggang namatay si Angel. Sinulatan ng mag-asawa ang mga anak ni Angel na sina Mon, Tony at Carlo subalit tinanggihan din sila nito. Ayon sa magkakapatid, bilang tagapagmana ng kanilang ama, may karapatan silang tubusin ang bahaging naibenta nina Mar at Demetria, ang mga orihinal na co-owners ng kanilang ama, mula sa mag-asawang Jaime at Cleofe batay sa Artikulo 1620 ng Kodigo Sibil. Tama ba sila?
Mali. Ang karapatan sa pagtubos na tinutukoy sa Artikulo 1620 ay yun lamang bahaging naibenta sa pangatlong tao. Sa kasong ito, malinaw na ang mag-asawang Jaime at Cleofe ay co-owners sa lote kasama sina Mon, Tony at Carlo. Nang pumasok sa komunidad ang tatlong anak ni Angel, co-owners sina Jaime at Cleofe ay hindi na pangatlong tao. Ang pangatlong tao na tinutukoy sa Artikulo 1620 ay taong hindi co-owners sa komunidad.
Ang karapatan sa pagtubos ay magagamit lamang ng isang co-owners sa bahagi ng komunidad na naibenta ng kanilang co-owners sa pangatlong tao. Ang layunin nito ay upang mapaliit ang komunidad. (Fernandez etc. vs. Spouses Tarun, G.R. 143868 November 14, 2002).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended