Ang ARB ay isang uri ng dokumento para makapagtrabaho ang isang legal na entertainer sa bansang Japan.
May kumakalat pang balita na may lihim na sulat umano si DOLE Secretary Patricia Sto. Tomas kay Prez GMA na humihiling na sibakin si Dante Liban, bilang hepe ng TESDA. Hindi lang dalawang beses nagkaroon ng pag-aaklas ang ilang empleado ng TESDA para kondinahin si Liban hinggil sa nasabing anomalya. Gusto kasi ng mga empleado na alisin si Liban sa nasabing tanggapan porke pati ang kanilang kredibilidad bilang mga employees ay nasasama sa pangit na akusasyon.
Siyempre, dapat magkaroon ng matibay na ebidensiya kung sangkot nga aman si Liban sa mga akusasyong ibinabato sa kanya para maging patas ang laban.
Walang kinakampihan ang mga kuwago ng ORA MISMO sa umanoy kotongan sa TESDA. Mahirap patunayan dahil lihim itong ginagawa at saka walang gagong maglalakas loob na tumayo para ituro si Liban hinggil sa isyu.
Kaya lang ang mga entertainers natin ang kawawa. Mantakin mo ang sinasahod nila tiyak sa kanila ito ikakaltas oras na bumigay sila sa lagayan.
Gusto din naman ng ilang entertainers ang ganitong sistema kahit na sila ang agrabyado basta ang sa kanila ay makatuntong ng Japan sa super-bilis na paraan.
Karamihan kasi sa ating mga entertainers na nagpunta ng Japan ay gumiginhawa ang buhay kaya kagat sila sa anumang katarantaduhang sistemang mangyayari basta ang sa kanila ay makapag-abroad sa lalong madaling panahon.
Paano natin mapapatunayan na may kotongang nagaganap sa TESDA? tanong ng kuwagong haliparot.
Nagasgas ang pangalan ni Liban porke siya ang inginunguso ng ilang empleado," sabi ng kuwagong urot.
Walang ebidensiya paano yan?
Iyan ang problema, sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Bakit may inginunguso? tanong ng kuwagong Kotong cop.
Iyan ang dapat imbestigahan.
Bakit may secret letter si Sto. Tomas kay Prez GMA?
Sa parteng yan si Prez Gloria lang ang makakasagot.
Diyan korek ka, kamote.