Ano ang salitang burisingkaw, Doktor? umpisa ng matandang babae.
Nag-isip ako nang malalim. Pinagputol-putol ko para makuha ang ibig sabihin ng salita. Ang buri ay isang uri ng dahon.
Ang singkaw ay pagtali ng hayop. Kaya ang burisingkaw ay ang pagdala ng dahon sa likod ng isang hayop.
Mali!" sabi ng nagtanong at nagtawanan ang iba pang naka-umpok. Ang burisingkaw ay isang tao na walang utang na loob.
Kunwari ay nagkamot ako ng ulo na nakangiti para ipaalam na hindi ako nasasaktan sa ginagawa nilang katuwaan.
Eh, ano naman ang kabalyes? tanong naman ng isang matandang lalaki.
Ang kabal ay bahagi ng kabayo o kabalyo, sagot ko. Samantala ang yes ay bahagi ng tiklis. Aba ang kabalyo ay tiklis na nasa ibabaw ng kabayo.
Bigla silang sumigaw ng Tama!
Mas nagulat ako kaysa sa kanila. Tumama ang hula ko.
Pero ang tamang-tamang ibig sabihin ng kabalyes ay dalawang tiklis na nasa dalawang tabi ng kabayo, dagdag ng nagtanong.
"Tabla na tayo. Isang mali, isang tama, sabi ko sa grupo. Tawanan ang lahat.