^

PSN Opinyon

Mga salita sa nayon

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Juan Flavier -
UNTI-UNTI ay marami akong natutuhang salita sa nayon. Kapag araw ng Linggo ay madalas akong makiumpok sa mga taga-nayon at nakikipagpaligsahan sa mga salitang nayon.

‘‘Ano ang salitang burisingkaw, Doktor?’’ umpisa ng matandang babae.

Nag-isip ako nang malalim. Pinagputol-putol ko para makuha ang ibig sabihin ng salita. ‘‘Ang buri ay isang uri ng dahon.’’

Ang singkaw ay pagtali ng hayop. Kaya ang burisingkaw ay ang pagdala ng dahon sa likod ng isang hayop.’’

‘‘Mali!" sabi ng nagtanong at nagtawanan ang iba pang naka-umpok. ‘‘Ang burisingkaw ay isang tao na walang utang na loob.’’

Kunwari ay nagkamot ako ng ulo na nakangiti para ipaalam na hindi ako nasasaktan sa ginagawa nilang katuwaan.

‘‘Eh, ano naman ang kabalyes?’’ tanong naman ng isang matandang lalaki.

‘‘Ang kabal ay bahagi ng kabayo o kabalyo,’’ sagot ko. ‘‘Samantala ang yes ay bahagi ng tiklis. Aba ang kabalyo ay tiklis na nasa ibabaw ng kabayo.’’

Bigla silang sumigaw ng ‘‘Tama!’’

Mas nagulat ako kaysa sa kanila. Tumama ang hula ko.

‘‘Pero ang tamang-tamang ibig sabihin ng kabalyes ay dalawang tiklis na nasa dalawang tabi ng kabayo,’’ dagdag ng nagtanong.

"Tabla na tayo. Isang mali, isang tama,’’ sabi ko sa grupo. Tawanan ang lahat.

ANO

BIGLA

DOKTOR

ISANG

KAPAG

KAYA

LINGGO

PERO

PINAGPUTOL

SAMANTALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with