GMA umalma sa crime rate
February 24, 2003 | 12:00am
SINABON ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo ang pamunuan at ang buong Philippine National Police dahil sa pagtaas ng "criminality rate". Matagal ko ng sinasabi yan. Sa hirap ng buhay ngayon at sa taas ng bilihin, cost of living, maraming mabuting tao ang naging masama at maraming masasamang tao ang mas lalo pang sumasama. Police visibility daw ang sagot sa pagtaas ng criminality rate. Paano nyo magagawa iyan, kung ilan miembro ng Police hierarchy ay paulit-ulit na sinasabi na kulang na kulang ang bilang ng ating pulis kung ikukumpara sa mga sibilyan natin? Isang pulis sa bawat limang libong sibilyan. Kaya ba, talagang kaya bang protektahan nyo kaming lahat?
Nagpadagdag dito ay ang pag-uutos ng Total Gun Ban. Ngayon, mga kriminal ay nagpipesta at walang takot na nagsasagawa ng mga street crimes dahil alam nilang walang depensa ang mga sibilyan. Hindi ko rin maintindihan itong ating Presidente, nag-impose ng Total Gun Ban, tapos ng dalawang araw, binawi ito at sinabing pwede raw magdala ang ilang taong kwalipikado dahil sa uri ng kanyang trabaho at kung panganib o threat sa kanyang buhay. Okay na sana yun. Subalit hanggang ngayon, hindi pa rin nagpo-process ng mga request ang PNP para sa mga may sapat na dahilan na mabigyan ng PTCFOR. Hindi talaga tayo kayang protektahan ng PNP. Ang dami natin at laganap na ang kahirapan, droga, sindikato sa kidnappings, carnappings at iba pang mga masasamang elemento.
Bakit ba ayaw nyong maging kaakibat ang mga taong responsible gun owners? "Peace and order is a shared responsibility between the law enforcers and the citizenry." Kung sino man ang nagbigay ng payo kay GMA tungkol sa gun ban ay isang hindi nakaiintinding tao. Kelan ba talaga? Sabihin na at wag ng paasahin ang taong bayan kung magpo-process pa kayo ng PTCFOR.
Expected na tataas ang criminality rate. Alam yan ni PNP Chief Dir. Gen. Hermogenes Ebdane. Simpleng arithmetic yan. Salat sa pera ang tao, gagawa at gagawa ng paraan ang mga itong ayaw magtrabaho, para kumita ng madaliang pera. Mga cellphones na inaagaw, sinasaksak pa ang biktima. Kukunin lang ang isang handbag ng babae, babarilin pa ito.
May kapal pa ng mukha ang isang imbestigador ng Central Police District na ipasa ang sisi sa "bureaucracy" daw. Pinagre-report daw sila ng alas otso ng umaga para sa flag ceremony. Dapat daw nagpa-follow up daw sila ng kanilang kaso, pero kailangan umattend ng flag ceremony. Kaya kung minsan nakakatakas na raw ang suspect. Putris ka pare ko, ang babaw mo. Kung walang flag ceremony, tanghali na kayo papasok sa presinto. Minsan isang linggo yan, tuwing Lunes, umaangal ka pa. Dapat lang na kapag Lunes, pumasok naman kayo ng maaga. Maging mahigpit kaya si Sec. Joey Lina ng Department of Interior and Local Govt, at mag-bondy clock ang mga pulis para malaman kung talagang pumapasok ng tamang oras at nagtatrabaho hanggang matapos ang kanilang shift.
Ibigay sa mga station at precinct commanders ang responsibility sa kalakarang ito. Sa isang insidente, ang "dynamic" na mayor ng Quezon City ay muntik ng mapahamak nang ang kanyang kotseng sinasakyan ay mahulugan ng mga steel bars galing sa isang truck na nakatabi ng kanyang sasakyan. Dapat kasuhan hindi lamang ang may-ari ng kumpanyang ito, kundi pati and driver at pahinante dahil sa kanilang mga kapabayaan. Multiple Frustrated Homicide ang dapat ikaso sa mga ito dahil muntik na niyang mapatay si Mayor Sonny, ang driver nito at isa pang pasahero. Dapat sinisita ng mga tao ni Sec. Bayani Fernando ng MMDA ang mga truck na may lulan ng mga mabibigat na kargada at ang mga container vans kung itoy "safe" na magbiyahe sa lansangan natin. Nag-iingat ka nga sa pagmamaneho, tarantado naman at iresponsable ang mga truck na makakatabi mo tulad ng crane na nakaaksidente sa sasakyan ni Mayor Sonny, mga ala-una ng umaga sa kahabaan ng E. Rodriguez. May dala pa naman itong mga steel bars. Salamat na lang at walang nasaktan sa insidente.
Ang tanong na gusto kong iwan sa mga mambabasa ng CALVENTO FILES ngayong araw na ito, sino ang dapat sisihin sa pagtaas ng crime rate sa ating bayan? Paki-text lang sa 09179904918. Maaari rin nyong itawag sa 7788442.
Nais kong batiin sina Angelito Roldan at ang kanyang misis na si Susan sa pagbubukas ng branch ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa San Pedro, Laguna. Marami ng mga estudyante na galing sa PUP ang nakasama ko habang silay nagpa-practicum at masasabi mong mataas ang antas ng edukasyon na binibigay ng state University na ito. Maswerte ang mga taga-southern Tagalog sa pagbubukas ng branch dito sa Laguna.
Nagpadagdag dito ay ang pag-uutos ng Total Gun Ban. Ngayon, mga kriminal ay nagpipesta at walang takot na nagsasagawa ng mga street crimes dahil alam nilang walang depensa ang mga sibilyan. Hindi ko rin maintindihan itong ating Presidente, nag-impose ng Total Gun Ban, tapos ng dalawang araw, binawi ito at sinabing pwede raw magdala ang ilang taong kwalipikado dahil sa uri ng kanyang trabaho at kung panganib o threat sa kanyang buhay. Okay na sana yun. Subalit hanggang ngayon, hindi pa rin nagpo-process ng mga request ang PNP para sa mga may sapat na dahilan na mabigyan ng PTCFOR. Hindi talaga tayo kayang protektahan ng PNP. Ang dami natin at laganap na ang kahirapan, droga, sindikato sa kidnappings, carnappings at iba pang mga masasamang elemento.
Bakit ba ayaw nyong maging kaakibat ang mga taong responsible gun owners? "Peace and order is a shared responsibility between the law enforcers and the citizenry." Kung sino man ang nagbigay ng payo kay GMA tungkol sa gun ban ay isang hindi nakaiintinding tao. Kelan ba talaga? Sabihin na at wag ng paasahin ang taong bayan kung magpo-process pa kayo ng PTCFOR.
Expected na tataas ang criminality rate. Alam yan ni PNP Chief Dir. Gen. Hermogenes Ebdane. Simpleng arithmetic yan. Salat sa pera ang tao, gagawa at gagawa ng paraan ang mga itong ayaw magtrabaho, para kumita ng madaliang pera. Mga cellphones na inaagaw, sinasaksak pa ang biktima. Kukunin lang ang isang handbag ng babae, babarilin pa ito.
May kapal pa ng mukha ang isang imbestigador ng Central Police District na ipasa ang sisi sa "bureaucracy" daw. Pinagre-report daw sila ng alas otso ng umaga para sa flag ceremony. Dapat daw nagpa-follow up daw sila ng kanilang kaso, pero kailangan umattend ng flag ceremony. Kaya kung minsan nakakatakas na raw ang suspect. Putris ka pare ko, ang babaw mo. Kung walang flag ceremony, tanghali na kayo papasok sa presinto. Minsan isang linggo yan, tuwing Lunes, umaangal ka pa. Dapat lang na kapag Lunes, pumasok naman kayo ng maaga. Maging mahigpit kaya si Sec. Joey Lina ng Department of Interior and Local Govt, at mag-bondy clock ang mga pulis para malaman kung talagang pumapasok ng tamang oras at nagtatrabaho hanggang matapos ang kanilang shift.
Ibigay sa mga station at precinct commanders ang responsibility sa kalakarang ito. Sa isang insidente, ang "dynamic" na mayor ng Quezon City ay muntik ng mapahamak nang ang kanyang kotseng sinasakyan ay mahulugan ng mga steel bars galing sa isang truck na nakatabi ng kanyang sasakyan. Dapat kasuhan hindi lamang ang may-ari ng kumpanyang ito, kundi pati and driver at pahinante dahil sa kanilang mga kapabayaan. Multiple Frustrated Homicide ang dapat ikaso sa mga ito dahil muntik na niyang mapatay si Mayor Sonny, ang driver nito at isa pang pasahero. Dapat sinisita ng mga tao ni Sec. Bayani Fernando ng MMDA ang mga truck na may lulan ng mga mabibigat na kargada at ang mga container vans kung itoy "safe" na magbiyahe sa lansangan natin. Nag-iingat ka nga sa pagmamaneho, tarantado naman at iresponsable ang mga truck na makakatabi mo tulad ng crane na nakaaksidente sa sasakyan ni Mayor Sonny, mga ala-una ng umaga sa kahabaan ng E. Rodriguez. May dala pa naman itong mga steel bars. Salamat na lang at walang nasaktan sa insidente.
Ang tanong na gusto kong iwan sa mga mambabasa ng CALVENTO FILES ngayong araw na ito, sino ang dapat sisihin sa pagtaas ng crime rate sa ating bayan? Paki-text lang sa 09179904918. Maaari rin nyong itawag sa 7788442.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest