^

PSN Opinyon

Pagpapatawad ng mga kasalanan, pagpapagaling ng katawan

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
SI Jesus ay makapangyarihan. Nakapagpapagaling siya ng mga sakit. Nagpapatawad siya ng mga kasalanan. Maaaring may tutol ang iba tungkol dito. Subalit ang Ebanghelyo ni Mark sa araw na ito ay nagsasalarawan sa atin ng pagpapatawad at pangangalaga ni Jesus. (Mk. 2:1-12).

"Bumalik si Jesus sa Capernaum pagkalipas ng ilang araw, at kumalat ang balitang siya’y nasa kanyang tahanan. Kaya’t nagkatipon ang napakaraming tao, anupat wala nang matayuan kahit sa labas ng pintuan. Samantalang nangangaral si Jesus, may idinating na isang paralitikong dala ng apat katao. Hindi nila ito mailapit kay Jesus dahil sa dami ng tao, kaya’t binakbak nila ang bubong sa tapat niya, at inihugos ang paralitikong nakaratay sa kanyang higaan. Nang makita ni Jesus kung gaano kalaki ang kanilang pananalig, sinabi niya sa paralitiko, ‘Anak, ipinatatawad na ang mga kasalanan mo.’ May nakaupo roong ilang eskriba na nagsaloob ng ganito: ‘Bakit nagsasalita ng ganito ang taong ito? Kalapastanganan sa Diyos iyan! Hindi ba’t Diyos lamang ang makapagpapatawad ng mga kasalanan?’ Talos ni Jesus ang kanilang iniisip, kaya’t sinabi niya, ‘Bakit kayo nagsasaloob ng ganyan? Alin ba ang lalong madali: Ang sabihin sa paralitiko, "Ipinatatawad na ang mga kasalanan mo, " o ang sabihing, "Tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan at lumakad ka?" Patutunayan ko sa inyo na dito sa lupa, ang Anak ng Tao ay may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan.’ Sinabi niya sa paralitiko, Tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan, at umuwi ka!’ Tumindig naman ang paralitiko, binuhat ang kanyang higaan at umalis na nakikita ng lahat. Sila’y pawang nanggilalas at nagpuri sa Diyos. ‘Hindi pa kami nakakikita ng ganito!’ sabi nila."


Dahil sa kontrobersiyang ito, nakikita natin si Jesus na humarap sa kanyang mga kaaway: Ang mga eskriba’t Pariseo. Subalit huwag nating kaligtaan ang epekto ng pagpapagaling. Una, itala natin ang pananalig ng apat na lalaki na bumutas sa bubong at inihugos ang paralitkong lalaki sa butas nito. Nang makita ni Jesus ang kanilang pananalig, pinatawad niya ang mga kasalanan ng paralitikong lalaki.

Nang tumutol ang mga eskriba, pinagsabihan niya sila na kapwa madali ang magpatawad at magpagaling. Subalit mas madaling patunayan ang pagpapagaling, sapagkat ito ay nakikita. Ang kapatawaran ay nadarama lamang sa puso at kaibuturan ng pagkatao ng taong pinatawad.

ANAK

BAKIT

BUMALIK

CAPERNAUM

DIYOS

JESUS

NANG

SUBALIT

TUMINDIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with