Ano ba talaga ang totoo sa mga PPA laden drugs?
Binaha ng batikos ang Bureau of Food and Drugs (BFAD) dahil sa pagpapahintulot nito sa paggawa at pagbebenta ng mga gamot na may PPA. Ang PPA ay karaniwang sangkap sa gamot para sa baradong ilong at ganoon din para sa sipon at ubo. Bukod sa alegasyong ito ay masama sa kalusugan, lumabas pa ang nakahihindik na balitang nagiging dahilan ito ng pagdurugo sa utak. Umanoy ipinagbawal na ang sangkap na ito ng Dangerous Drugs Board (DDB) kasunod ng alegasyon din naman na itoy nagiging dahilan din ng pagka-addict. Ginagamit umano itong raw material para sa illegal drugs gaya ng shabu.
Walang basehan ang mga alegasyon. Sa katunayan, mahigpit na mino-monitor ng DDB ang mga substances na maaaring i-manufactured para sa illegal drugs. Sinasalang mabuti ng DDB ang anumang substances na pumapasok sa bansa kaya nakatitiyak na ito ay ligtas,
May 40 taon nang ginagamit sa Pilipinas ang mga gamot na may PPA substance. Napatunayan na itong safe sa tamang dosage. Ang Department of Health at BFAD ay nagpapahintulot na mag-manufacture at magbenta ng mga gamot sa sipon at ubo na may 25 mg. pababa. Ni-regulate naman ang 25 mg. hanggang 50 mg. ng PPA at dapat ay may prescription samantalang ang mataas sa 50 mg. ay tuluyang ibina-ban.