EDITORYAL Inutil ang military sa Abu Sayyaf
February 23, 2003 | 12:00am
MATAGAL nang tinik sa lalamunan ng Pilipinas ang mga bandidong Abu Sayyaf. Marami na silang pininsala. Dahil sa ginawa nilang pangingidnap at walang awang pagpatay, kinatakutang puntahan ang bansang ito. Tumamlay ang turismo. Wala nang balak maglagak ng kanilang negosyo. Ano ang gagawin para manumbalik ang kanilang sigla at matutong bumalik sa Pilipinas. Iisa ang sagot. Ubusin ang Abu Sayyaf!
Napatunayang hindi kaya ng Philippine military ang pagpulbos sa mga bandido. Ilang taon na ang nakalilipas mula nang sunud-sunod na mangidnap ang mga bandido ng mga turista subalit inutil ang military na ganap na masugpo ang grupo. Hindi mabunot ang ugat bagkus ay may sumisibol pa at patuloy na naghahasik ng lagim sa maraming panig ng Mindanao.
Kung totoo ang report na hindi lamang war exercise ang ipinunta rito ng mga sundalong Amerikano kundi pati na rin ang pagdurog sa mga bandido, bakit pipigilan. Kung hindi kaya ng mga sundalong Pinoy, magpatulong na sa mga sundalong Kano. Para ano pa at magkukunwaring "kaya" gayong hindi naman. Sa pagkukunwari ay mas lalong masama ang nangyayari.
Kahapon ay banner story ng Pilipino Star NGAYON: "US troops uupak din vs Abu". Hindi lamang umano ang pagsasanay sa tinaguriang Balikatan 03-1 ang layunin ng mga Kano kundi pati na rin ang pagpulbos sa mga Abu Sayyaf na itinuring na mga terorista. Pinaniniwalaang nakakukuha ng suporta ang mga bandido sa Al-Qaeda terrorist movement ni Osama bin Laden. Si Bin Laden ang arkitekto sa pagsalakay at pagwasak sa World Trade Center noong Sept. 11, 2001.
Kung kasama sa plano ng mga sundalong Kano ang pagtugis at pagdurog sa mga bandido, magandang plano ito. Ito na marahil ang magiging katapusan ng mga bandidong uhaw sa dugo. Magkakaroon na rin marahil ng hustisya ang ginawang pagpatay sa isang pari na binunutan muna ng kuko bago tuluyang pinatay. Tinapyasan ng suso ang isang babae bago rin pinatay. Dalawang lalaking teacher ang walang awang pinugutan ng ulo. Sila rin ang kumidnap sa mag-asawang Martin at Gracia Burnhams habang nagbabakasyon sa isang resort sa Palawan. Napatay si Martin habang nire-rescue at nasugatan naman si Gracia. Ang kasamahan ng mag-asawa na si Guillermo Sobero ay pinugutan ng ulo.
Kung hindi tutulong ang Kano, hindi kailanman madudurog ang mga bandido. Habang panahon na silang maghahasik ng lagim sa Mindanao. Ano ang pipiliin?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest