^

PSN Opinyon

Bakit laganap ang street crimes?

- Al G. Pedroche -
SINABON ni Presidente Arroyo ang pamunuan ng Philippine National Police dahil sa tumataas na kaso ng kriminalidad sa lansangan. Hindi raw kasi nakikita ang mga pulis sa lansangan kaya namamayagpag ang mga mandurukot, holdaper, cellphone snatchers at iba pa. In fairness, very visible nga ang mga pulis sa bawat kanto. Minsan pasiga-sigarilyo, minsan pakamut-kamot ng tiyan. Kapag minalasmalas, nahahagip sila ng surveillance camera ng media habang nangongotong sa mga drayber. Kung biktima ka ng pandurukot, sabihin mo lang sa kakilala mong pulis kung saang dako ka nabiktima. Madalas, naibabalik yung mga nakulimbat na alahas at relo kung ang biktima’y malakas sa pulis.

Talagang may ilang bugok na alagad ng batas na kasabwat ng mga snatchers at holdapers. Bata pa ako’y may ganyang katiwalian na. Pero mas malala ngayon ang tinatawag na street crimes. Pati ang pagbebenta ng droga ay malaya nang nagagawa sa kanto-kanto. Kasi nga, ang mga masasamang loob ay protektado ng ilang pulis. Hindi ko nilalahat pero nagdudumilat ang katotohanan na may mga naturingang alagad ng batas pero kasabwat ng mga bumabali ng batas.

Isa pa, ang atensyon ng buong gobyerno, kasama na ang pulisya at militar ay nakatuon sa mas malalaking security threats tulad ng NPA, terorismo at iba pa. Dahil diyan, napapabayaan ang mga maliliit na krimen. Ang masaklap, ang mga karaniwang gumagawa ng petty crimes sa lansangan ay mga kabataan. Kabataang dapat sana’y pag-asa ng bayan. Nung panahon ni Mayor Fred Lim, mayroong tinatawag na Manila Junior Police (MJP). Binubuo ng mga tin-edyer na unipormado na bagamat walang dalang baril ay kaagapay ng mga senior police sa implementasyon ng batas. Ang namumuno rito ay si dating Tinyente Tony Cruz (Kapitan na ngayon). Siya ang namumuno ngayon sa Station 1 sa Gagalangin, Tondo, Manila.

Kung tutuusin, starvation post ang mamuno sa MJP para sa opisyal ng pulis. Walang dilihensya, ika nga. Sasailalim nga sa heart bypass operation itong si Cruz at hindi niya alam kung saan kukuha ng P300 libo para sa kanyang operasyon. Kantiyaw ko sa kanya, hindi ka kasi marunong mangotong eh. Kahit walang delihensya, masama ang loob ni Cruz nang magiba ang MJP. Krusada kasi niya na mapanuto ang mga batang naliligaw ng landas. Alam ko dahil nag-uumpisa pa lang ako sa radyo (Voice of the Philippines) noong 1970s ay magkasama na kami ni Kapitan. PFC pa lang siya nang siya’y naka-assign sa Youth Reception Center sa Arroceros.

Bakit inabolish ang Junior Police? Magandang programa ito para ilihis ang kabataan sa masamang bisyo at barkada. Sa murang gulang, natututo pa ang mga batang ito na maging makabuluhang kasapi ng lipunan. Kung ang mga kabataan ay huhubuging maging produktibong mamamayan, tiyak kong mababawasan kundi man tuluyang maglalaho ang kriminalidad.

CRUZ

JUNIOR POLICE

KAPITAN

MANILA JUNIOR POLICE

MAYOR FRED LIM

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PRESIDENTE ARROYO

TINYENTE TONY CRUZ

VOICE OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with