Para saan ang housing loan?
February 21, 2003 | 12:00am
Dear Sec. Mike Defensor,
Ako po ay isang OFW na member ng Pag-IBIG Overseas Program. May 11 buwan na po akong nagbayad ng aking kontribusyon. Nais ko sanang magtanong, dahil malapit nang makumpleto ang 12 buwan na paghuhulog.
Para saan puwedeng gamitin ang housing loan? Ito ba ay para lamang sa pambili ng bagong bahay at lupa? Gaano katagal ang pagbabayad? Magkano ang interes? Dante S.
Ang housing loan ay hindi limitado sa pagbibili ng bagong bahay at lupa, maaaring gamitin ito para sa pagbili ng lupa na hindi lalampas ng 1,000 square meters, pagpapagawa ng bahay sa lupang pag-aari ng miyembro, pagbili ng lupa at pagpapagawa ng bahay, pagpapaayos ng bahay o renovation, refinancing at pagbili ng bahay at lupa, townhouse o condominium unit. Ang halaga ng nahiram ay maaaring bayaran sa loob ng lima hanggang sampung taon. Ang interes ay depende sa halaga ng utang, 6 percent kung ang utang ay mababa sa P150,000; 9 percent higit P150,000-P225,000; 10 percent higit P225,000 hanggang P500,000; at 12 percent higit P500,000 hanggang P2,000,000. Mas mataas ng 2 percent ang inyong pagbabayad ay lampas sa takdang araw. Maraming salamat. Sec. Mike Defensor

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest